• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Angkas at Joyride malapit nang makapag-operate muli

NANINIWALA si Presidential Spokesperson Harry Roque na mabibigyan ng otorisasyon ang Angkas at Joyride para muling makapag-operate at makabiyahe.

 

Ayon kay Sec. Roque, ngayong nasa Kongreso na ang bola para makapagpalabas ng Congressional resolution sa rekomendasyon ng IATF para makabiyaheng muli ang Joyride at Angkas, naniniwala aniya siyang itoy mapagbibigyan.

 

Nasa ilalim aniya tayo ng national emergency lalo’t 50% ng mga negosyo gaya dito sa Metro Manila ang napahintulutan ng magbukas pero nasa 30% lamang ang transportasyon.

 

“Ako po ay naninindigan nga na bagama’t binato uli ng IATF sa Kongreso iyan na sa pamamagitan ng pag-iisyu ng panibagong congressional resolution ay tingin ko naman po, kapag national emergency na kagaya nito ay pupuwede namang ma-authorize na iyang ganiyang angkas lalo na ang ekonomiya natin sa Metro Manila ay bukas nang 50% pero 30% nga lang po ang ating transportasyon ‘no,” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

Sa kabilang dako, naniniwala rin si Sec. Roque na mapagbibigyan ng Committee on Transportation ang hiling na makapag- isyu ng resolution pero sana ay magawa ito sa lalong madaling panahon.

 

“So pinag-aaralan din po iyong emergency powers ng Presidente. Bagama’t ang pagkakaintindi ko naman, handa naman po ang Kongreso, iyong Committee on Transportation, na mag-isyu ng resolution para nga po matuloy iyong pilot study na naging dahilan kaya nakapag-operate initially itong ang Angkas at saka JoyRide,” aniya pa rin.

 

Hindi aniya maitatanggi na noong unang napahintulutang makapag- pilot study ang dalawang motorcycle TNVS ay marami talagang commuters ang tumangkilik sa Angkas at Joyride.

 

“ Talaga naman po mula noong sila ay nag-pilot study ng Angkas at JoyRide, halos lahat po talaga ng ating mga mananakay ay sumakay na diyan sa Angkas,” ayon kay Sec. Roque. (Daris Jose)

Other News
  • Tiger Woods pangatlong atleta ng US na nasa billionaires list ng Forbes

    KASAMA na si golf star Tiger Woods sa listahan ng bilyonaryo na manlalaro sa buong mundo.     Inilabas ng Forbes magazine ang nasabing pagsali ni Woods sa billionaires list isang linggo ng masali si NBA star LeBron James.     Base sa Forbes na aabot sa mahigit $1.7 bilyon ang yaman nito na karamihan […]

  • Mekaniko kalaboso sa 3 nakaw na motorsiklo

    KULONG ang isang mekaniko matapos makumpiska sa kanya ang tatlong nakaw na motorsiklo sa isinagawang Simultaneous Enhanced Managing Police Operation (SEMPO) ng pulisya sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/ Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong suspek na si Neilmar Sinepete, 24 ng Phase 7-B, Block 1, […]

  • Tradisyunal na pag- oobserba ng darating na Kuwaresma, malaki ang maitutulong para mapababa ang naitatalang kaso ng COVID – Malakanyang

    HINILING ng Malakanyang sa mamamayang filipino na gawin ang tradisyunal na pag- obserba ng Mahal na Araw para sa taong ito.   Para kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito kasi ang mga panahong wala talagang lumalabas kapag panahon ng Mahal na Araw lalo na kapag Biyernes Santo.   Ayon kay Sec. Roque, malaking bagay ito […]