• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LALAKI HULI SA BANTANG PAGPAPAKALAT NG HUBAD NA LITRATO NG MAGKAPATID

HUMINGI ng tulong sa pulisya ang magkapatid na dalagita matapos pagbantaan ng isang lalaki na ipapakalat ang edited na hubad nilang larawan.

 

 

Sa reklamo ng biktima na itinago sa pangalang Judy , nakilala nito ang kanilang kapitbahay na si Balnit Turla Singh , 26, binata at nakatira sa Blk 17-A Baseco Compound, Port Area,  noong Nobyembre kung saan maganda naman umano ang pakikitungo nito sa kanila.

 

Ayon kay Judy, naging magkaibigan sila ng suspek  ngunit kalaunan ay pinadadalhan na siya ng kung anu-ano ngunit kapalit nito ay kailangan umano niyang magpadala ng mga malalaswang bagay.

 

Hindi lamang umano si Judy ang biniktima ng suspek kundi maging ang kanyang nakababatang kapatid na si Jane ay biniktima rin.

 

Dahil dito, dumulog na ang mga biktima kasama ang kanilang ina na si Nemia Diaz sa pulisya.

 

Ayon naman kay Capt.Edwin Fuggan, hepe ng Baseco PCP na naaresto ang suspek sa nasabing lugar  kagabi nang kumagat  ito sa chat at tawag na makikipagkita ang mga biktima sa kanya.

 

Dito na nagkaroon ng pagkakataon ang mga operatiba na dakpin ang suspek .

 

Narekober naman ng pulisya ang cellphone ng suspek kung saan makikita ang lahat ng conversation nila ng mga biktima.

 

Dipensa ni Singh problemado lamang ito sa kanyang lovelife dahil lahat umano ng kanyang nililigawan ay hindi siya sinasagot.

 

Si Singh ay nahaharap sa kasong  paglabag  sa Anti Cyberscrime law  at  Anti Photo and Video Voyeurism Act of 2009. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Pagtaas ng presyo ng bigas nakaamba sa Hulyo – DA

    NAKAAMBA umano ang pagtaas ng presyo ng lokal at imported na bigas sa mga suunod na buwan.     Ayon sa Department of Agriculture (DA), dulot ito ng patuloy na pagtaas ng presyo ng abono, krudo at iba pang pangangailangan sa produksyon ng bigas.     Nabatid na mula sa dating P17 hanggang P19 na […]

  • SIM registration deadline hanggang July 25… KUYA KIM at KIRAY, na-experience din na mabiktima ng ‘hacking’

    ILANG araw na lang at sasapit na ang deadline sa Hulyo 25, kaya naman naglunsad ang Globe ng isang creative campaign na nagbibigay-diin sa mga consumer na sumunod sa ‘SIM Registration Act’ upang maprotektahan ang kanilang sarili mula sa mga panganib na nakatago sa online.     Sa “Number Mo, Identity Mo” campaign, ang online […]

  • Cebu Bus Rapid Transit Project posibleng mahinto

    NAGBABALA ang isang Chinese contractor ng Cebu Bus Rapid Transit System (CBRTP) Package 1 na kanilang ihihinto ang construction works nito kapag ang Department of Transportation (DOTr) ay mabigong magbayad ng paunang 10 porsiento ng kabuohang kontrata na gagamitin bilang mobilization fund.       Binigyan ang DOTr ng hanggang June 15 upang bayaran ang […]