• January 6, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rider timbog sa baril-barilan at shabu sa Valenzuela

Kulong ang isang 44-anyos na rider matapos makuhanan ng baril-barilan at shabu makaraang tangkain takasan ang mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Airsoft pistol/ illegal possesion of firearm), paglabag sa RA 9165 at Art 151 of RPC (Disobedience) ang suspek na kinilalang si Ramil Turba, 44, ng No. 32 Coleta St. Azicate Homes, Brgy. Gen T. De Leon.

 

 

Sa report ni SDEU investigator PEMS Restie Mables kay Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega, dakong 11:30 ng gabi, nagsasagawa ng Oplan Sita sa kahabaan ng T. Conception St. Brgy. Marulas ang mga tauhan ng Sub-Station 3 sa pangunguna ni PSSg Jayson Enrile, kasama sina PCpl Alim Macud, PCpl Reynold Panao at PSSg Salvador Estaris sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Anthony Pinol Campado nang makita nila si Turba na nagmamaneho ng isang Honda Click motorcycle.

 

 

Nang parahin ni PCpl Macud ay hindi huminto ang suspek at sa halip ay tinangka nitong tumakas na naging dahilan upang agad itong harangin ni PSSg Enrile saka inaresto.

 

 

Nakita naman ni PCpl Panao na nakasukbit sa baywang ni Turba ang isang kulay silver na airsoft pistol (replica ng 45 caliber) kaya’t kinumpiska niya ito at nang kapkapan ay nakuha pa sa suspek ang isang aluminum tube na may kasamang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P680 ang halaga at drug paraphernalia. (Richard Mesa)

Other News
  • UMID ID ng SSS, papalitan ng ATM Pay Card

    PAPALITAN na ang re­gular UMID card na gina­gamit ng mga miyembro ng Social Security System (SSS) matapos maki­pagkasundo ang ahensya sa mga bangko para sa pagpapalabas ng bagong UMID ATM Pay Cards.     Kapag mayroon nang UMID ATM Pay Cards, ang SSS members ay mas mabilis nang makakakuha sa kanilang account ng kanilang benepisyo, […]

  • UNANG BABAENG MAYOR NG MAYNILA MAYOR HONEY LACUNA PANGAN

    Binabati ng lahat ng pamunuan/Editorial Staff ng People’s Balita ang lahat ng bagong halal noong nakaraang eleksyon 2022 sa pangunguna ni Mayor Honey Lacuna Pangan at Vice Mayor Yul Servo Nieto at mga Congressman sa unang Distrito Congressman Ernix Dionisio, ikalawang distrito Congressman Rolan Valeriano, ikatlong distrito Congressman Joel Chua, ikaapat na distrito Congressman Edward […]

  • Movie nina ALDEN at BEA, magso-shoot na at balitang nahihirapan na maghanap ng location

    BUSY at back to work na muli si Asia’s Multimedia Star Alden Richards, matapos mai-showing sa GMA-7, ang very successful at nag-trending na number 1 sa Twitter ang  Alden’s Reality, A TV Special.    Last Thursday,  January 21, absent si Alden sa noontime show nilang Eat Bulaga, dahil may digital shoot siya ng nag-renew niyang […]