Sinovac, unang gagamitin ng Pinas sa vaccination program nito
- Published on February 23, 2021
- by @peoplesbalita
KINUMPIRMA ng Malakanyang na ang bakunang gawa ng China na Sinovac ang unang bakuna na gagamitin ng Pilipinas sa vaccination program nito.
“Yes, I can confirm. It looks like Sinovac will be the first vaccine that we will used in our vaccination program,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Ito’y sa kabila ng may apat na dokumento pa ang hinihingi pa ng Food and Drugs Administration (FDA) sa Sinovac kaya’t hindi pa makapag- isyu ng Emergency Use Authorization (EUA) ang FDA sa Sinovac.
Sinasabing hindi na kakayanin pa ang pagdating sana ng Sinovac bukas, Pebrero 23 na una na nitong inanunsiyo na nakaukit na sa bato ang pagdating sa bansa.
Ayon kay Sec. Roque, naiintindihan nila ang FDA sa kalagayan nitong ang nais lang ay masiguro na ligtas at epektibo ang mga ido- donate na bakuna ng China.
Samantala ayon pa sa balita, “FDA grants emergency use authorization to China’s Sinovac for its Covid-19 vaccine CoronaVac. However, FDA Director General Eric Domingo says Sinovac vaccines not recommended to be used among healthcare workers.
FDA says efficacy rate of Sinovac is 50.4 percent if givennto healthcare workers, based on studies in Brazil.
Sa kabilang dako sa tanong naman kung ano ang mangyayari sa mga bakunang Pfizer at AstraZeneca ay sinabi ni Sec.Roque na may natanggap na silang notice mula sa World Health Organization (WHO) na ang AstraZeneca ay darating sa bansa sa katapusan ng Pebrero.
Subalit may babala rin na maaari itong ma-delay dahil sa logistical challenges.
Para naman sa Pfizer ay sinabi ni Sec. Roque na wala pa aniya itong kasiguraduhan. (Daris Jose)
-
800 pamilya nasunugan sa Maynila, inayudahan
UMAABOT sa 800 pamilya na nabiktima ng sunog kamakailan ang tumanggap ng tulong pinansiyal mula sa Manila City Government. Mismong si Manila Mayor Honey Lacuna ang nanguna sa pamamahagi ng tig-P10,000 cash aid, kasama si Re Fugoso, na siyang pinuno ng Manila Department of Social Welfare (MDSW). Ayon kay Lacuna, bagamat […]
-
ALFRED, inaming malaking challenge na tapusin ang master’s degree; tinupad ang pangako sa namayapang ina
NAKATSIKA namin si Congressman Alfred Vargas via a zoom presscon last Sunday, a few hours after ng virtual graduation niya from UP National College of Public Administration and Governance or NCPAG where he took up a master’s degree in public administration. Ayon kay Alfred, malaking challenge na tapusin ang kanyang master’s degree dahil […]
-
PINAS, patuloy na idedepensa ang sovereign rights sa WPS-PBBM
IPAGPAPATULOY ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang pagdepensa sa sovereign rights ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) Ito’y sa gitna ng protesta ng Tsina sa bagong mga batas na nagbigay ng ‘ngipin’ sa pag-angkin ng Pilipinas sa resource-rich area. Tinukoy ni Pangulong Marcos ang Philippine Maritime Zones Act at Philippine Archipelagic Sea Lanes, tinintahan […]