• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ginang timbog sa sugal at shabu

Balik-kulungan ang isang 45-anyos na ginang matapos makuhanan ng shabu makaraang maaresto ng mga pulis habang naglalaro ng cara y cruz sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Sa report ni SDEU investigator PSSg Carlos Irasquin Jr. kay Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega, dakong 6 ng gabi, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Sub-Station 8 Ugong sa Sia Compound, Lamesa St. Brgy. Ugong nang maispatan ng mga ito ang isang grupo ng mga tao na naglalaro ng cara y cruz.

 

 

Nang mapamansin ng grupo ang presensya ng mga pulis ay mabilis nagtakbuhan ang mga ito sa magkakaibang direksyon habang nagawang maaresto ni PSSg Rodolfo Pidlaoan si Shirley Morales alyas “She” ng No. 6180 Mercado St. Gen. T. De Leon.

 

 

Nakuha ni PSMS Loreto Gabol Jr. sa lugar ang tatlong piso coin na gamit bilang ‘pangara’ at P140 bet money habang narekober sa suspek ang isang coin purse na naglalaman ng apat na plastic sachets ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P6,800 ang halaga, postal ID at P100 bill.

 

 

Kasong paglabag sa RA 9165 at PD 1602 ang isinampa ng pulisya sa Valenzuela City Prosecutors Office kontra sa suspek na aminadong dati na nakulong dahil sa illegal na droga.  (Richard Mesa)

Other News
  • Warriors star Curry at BTS member Suga nagkita na

    NAGKITA  na sina Golden State Warriors star Stephen Curry at BTS member Suga.     Naganap ang pagkikita ng dalawa sa Japan kung saan nagpalitan sila ng mga gamit.     Isang basketball jersey ang ibinigay ni Curry na pirmado niya habang isang pirmado na kopya ng BTS album na “Proof” ang ibinigay ni Suga. […]

  • Mga batang kasali sa face-to-face classes hindi mandatory na bakunado

    HINDI kasama sa requirement ng mga batang sasali sa face- to -face classes ang magpabakuna laban sa Covid -19.     Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones, mataas kasi ang resistance level sa mga bata para magpabakuna.     Nasa mga magulang na ang pagpapasya kung pababakunahan […]

  • Malaking blessing na kasama sa public service program: SHERILYN, parang nakakulong sa patuloy na pagbabayad ng mga utang

    INAMIN ni Sherilyn Reyes-Tan na malaking blessing para sa kanya na napasama siya sa newest public service program na “Si Manoy ang Ninong Ko”, na naka-iinspire ang mga kuwento ng pag-asa, katatagan, at modern day na ‘bayanihan’, na magsisimula na bukas, ika-3 ng Marso sa GMA-7.   Magsisilbing hosts sina Gelli de Belen, Patricia Tumulak, […]