PUBLIC TRANSPORT DAGDAGAN! HEALTH PROTOCOLS ISTRIKTONG IPATUPAD! CONSOLIDATION ng MGA PRANKISA HUWAG IPATUPAD!
- Published on February 23, 2021
- by @peoplesbalita
Sa inirekomendang modified GCQ sa buong bansa simula ngayong darating na Marso, asahan na ang mas maraming pasahero. Kaya naman rekomendasyon din na dagdagan ang mga units para sa public transportation. Iba ang dagdag ng masasakyan sa dagdag sa pwedeng sumakay – ang ibig sabihin ng una ay mas marami ang masasakyan. Ang pangalawa- mas marami ang isasakay. Ang una – mas kailangan dahil bagamat ang polisiya ngayon sa public transport ay pwede na umupo ang pasahero ng “one seat apart” at pwede magtabi sa upuan basta may “plastic barrier”, nanatili naman na limitado sa fifty per cent ng mga sasakyan ang pinapayagan pumasada. Ito naman ang nais madagdagan pag modified GCQ na. Sangayon tayo sa dagdag na masasakyan para masilbihan ang inaasahang pagdami ng pasahero sa modified GCQ. Pero dapat pa rin na istriktong maipatupad ang mga health protocols na tila nakaliligtaan na:
- Linisin o palitan mga plastic barriers;
- Ang pag-gamit ng thermal scanners sa mga sasakay, at ang mga basic na protocols tulad ng alcohol at face masks; ang contact tracing policy, at iba pa.
- Iwasan din ang pagpuputol ng ruta na sanhi ng dagdag sakay at gastos sa pamasahe ng mga pasahero. Yun hirap ng palipat-lipat ng sasakyan ay mas nag-e-expose sa mga pasahero dahil nasa lansangan sila ng mas matagal para lang mag abang at lumipat ng masasakyan.
Mungkahi rin ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP)na suspendihin o tuluyan nang alisin sa Joint Administative Order 2014-01 ang malupit na parusa sa mga out-of-line operation o iba pang violation na tinuring na colorum kahit may prangkisa naman.
Halimbawa ay may multa na, na P200 thousand (P1M pag bus, P120K pag sedan, P50K pag jeep). Impound ang sasakyan pero DAMAY ANG MGA WALANG KASALANAN O WALANG VIOLATION NA MGA UNITS na nagkataon lang na nakapaloob sa isang prangkisa kung saan kasama yung unit na nahuli.
Ano ang kasalanan ng mga driver ng mga units na hindi naman lumabag sa batas para matanggalan sila ng hanapbuhay.
Pag nanatili itong polisiyang ito at tuluyang ipatutupad ng LTFRB at DOTr ang pag consolidate ng mga prangkisa sa isang cooperatiba o corporation ay magiging malaking problema ito. Ngayon pa lang ay marami nang umaangal dito na mga franchise holders. Epekto nito ay nababawasan ang maaring masakyan ng mga pasahero, kawalan ng trabaho sa mga driver at konduktor at kawalan ng hanapbuhay para sa operator ng may prangkisa. (Atty. Ariel Inton-Enrile)
-
Martin ‘di makakalaro sa Gilas sa World Cup
Malabong makalaro si Fil-Am guard Remy Martin para sa Gilas Pilipinas sa 2023 FIBA World Cup na idaraos sa Pilipinas. Ito ang inihayag ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) assistant executive director Butch Antonio dahil pa rin sa patakarang ipinatutupad ng FIBA. Base sa rules and regulations ng FIBA, kailangang nakakuha […]
-
Kamara nagdeklara ng ‘full support’ kay PBBM
IDINEKLARA ng Kamara ang buong suporta nito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamamagitan ng pag-isyu ng “Manifesto of Support” kasabay ng pangakong gagawin ang mandato upang pigilan ang anumang pagtatangka ng destabilisasyon upang ibagsak ang gobyerno. Sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, iprinisinta ng mga mambabatas ang House Resolution No. […]
-
QC pansamantalang itinigil ang pag-isyu ng PWD ID
Pansamantalang itinigil ng Quezon City government ang pagpoproseso ng identification card para sa mga persons with disability. Kasunod ito sa kontrobersiya ng pagkakaroon ng mga PWD ID ang anim na miyembro ng isang pamilya kahit na ang mga ito ay hindi kwalipikado. Sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, simula ngayong araw hanggang […]