• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bulacan, nagsagawa ng simulation exercise para sa pagbabakuna laban sa COVID-19

Isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan kasama ang team nito ang simulation exercise ng COVID-19 vaccination plan sa The Pavillion, Hiyas ng Bulacan Convention Center sa lungsod na ito kamakailan.

 

 

Ayon sa Bulacan Medical Center (BMC) at Provincial Health Office – Public Health, higit 20 kalahok na hired contact tracers ng DILG ang sumabak sa exercise na ito kung saan sumailalim ang ilan dito sa anim na hakbang kabilang ang Step – waiting area, Step 2 – registration area, Step 3 – counseling area, Step 4 – screening area, Step 5 – vaccination area at Step 6 – observation area.

 

 

Matapos ipakita ang ID para sa pagbabakuna ay binigyan sila ng vaccination card at consent form habang ang pagbabakuna ay ginawa lamang sa loob ng isa hanggang dalawang minuto.

 

 

Bukod sa mga ipinamahaging polyeto, nagpalabas din ng mga audio visual presentation para sa karagdagang impormasyon hinggil sa bakuna para sa COVID-19.

 

 

Paaala ni Gob. Daniel R. Fernando, siguruhin na ang magpapabakuna ay dumating sa tamang oras at petsa ng kanilang iskedyul at sundin ang magkakasunod na hakbang na nabanggit.

 

 

Ani Fernando sa mga Bulakenyo, “kayo po ay aking kinukumbinsi na magpabakuna dahil ang pandemyang ito ay kumitil na ng maraming buhay sa mundo at malaki ang epekto sa pagbagsak ng ekonomiya ng bansa”.

 

 

Aniya, malaki ang maitutulong ng mga padating na bakuna upang mahinto ang pagkalat ng sakit na ito.

 

 

Samantala, kabilang sa unang grupo na babakunahan ay ang mga health care worker at frontliner ng Bulacan Medical Center ito ay matapos makita na ang kahandaan, kapasidad at kakayahan ng lalawigan sa pagbabakuna.

 

 

Nakiisa din sina Dr. Shiela Yu at JayR Carreon ng Department of Health Region 3 sa isinagawang simulation exercises upang magdagdag ng kanilang mga suhestiyon sa lalo pang ikaaayos ng gawain. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • 3-million initial vaccines ang ni-rehistro ng Pilipinas vs COVID-19: DOST

    Tatlong milyong bakuna laban sa COVID-19 ang ni-rehistro ng Pilipinas sa pagsali nito sa COVID-19 Vaccines Global Access (COVAX) Facility, ayon sa Department of Science and Technology (DOST).   Sa Malacanang briefing, sinabi ni Science Sec. Fortunato de la Peña na ang naturang bilang ay minimum requirement para sa subscription sa nasabing pasilidad. Katumbas daw […]

  • BTS, pasok na sa 2022 Hall of Fame ng ‘Guinness World Record’ dahil sa naitalang 23 world records

    LAST September 2, in-announce ng Guinness World Records na ang K-pop superstars and Grammy nominees na BTS ay pasok na sa 2022 Hall of Fame dahil sa nagawa ng South Korean boy group na 23 world records.     “At the moment of writing the group holds a staggering 23 world records, making them one […]

  • ‘Wala pa ring malinaw na plano ang pamahalaan vs COVID-19; puro lang quarantine’ – HPAAC

    Dismayado ang grupo ng medical experts matapos muling luwagan ng pamahalaan ang quarantine status ng National Capital Region (NCR) at ilan pang lugar na may matataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.     “HPAAC is alarmed that critical bottlenecks to long-term solutions have not been addressed, and necessary changes to systems and processes have […]