• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pingris delikadingding na

NAMEMELIGRO na si veteran free agent Jean Marc Pingris para sa Magnolia Hotshots sa parating na 46th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2021 sa Abril 9.

 

 

Wala pa kasing kasiguruhan kung maglalaro pa o magre-retiro na ang magku-40 anyossa Oktubre 16, 6-4 power forward na tubong Pozzorubio, Pangasinan.

 

 

Nitong nagdaang ilang mga taon, tipid na ang laro ng Pinoy Sakuragi dahil sa injuries.

 

 

Wakas nitong taong 2020 ang kontrata ng defense specialist sa Pambansang Manok, pero hindi siya nakasama sa Philippine Cup sa Angeles, Pampanga bubble noong Oktubre-Disyembre dahil nagre-rehab pa rin.

 

 

Hindi pa tiyak kung papipirmahin pa siya ng bagong deal ng manok.

 

 

Sang-ayon kay Ercito ‘Chito’ Victolero, “I don’t want na magsalita para kay Pingris. He’s been through a lot,” wika ng Magnolia coach. “Ang sabi ko sa kanya, kung ano ‘yung nararamdaman niya, kung ano tingin mo na makabubuti sa’yo, we will respect it.”

 

 

Susuporta pa rin, hirit niya ang koponan kung anuman ang balak ni Pingris, na inaasahang pagpapasyhan sa Marso ang kanyang karera.

 

 

“Right now nagre-recover pa siya,” huling bahagi na sambit ng coach. “Siguro by March, baka makabalita na tayo.

 

 

Sa pananaw ng Opensa Depensa, puwede ka na magretiro Pingris. May edad ka na rin naman kaya marami nang nararamdaman,  at milyonaryo na rin naman.

 

 

Kayo po mga giliw naming mambabasa, ano sa palagay ninyo?

Other News
  • Director Reinaldo Marcus Green is bringing something legendary to the big-screen with “Bob Marley: One Love”

    Director Reinaldo Marcus Green knew that helming a film about the legendary Bob Marley was going to be a monumental task, but if the musician’s life taught him anything, it’s not to be afraid. “Somebody’s got to raise their hand and say, ‘I’m willing to take a chance.’ I think that for anything that’s great […]

  • Saso minalas pero nagbulsa ng P1.3M

    HINDI nagging maganda ang pagtatapos na laro ni Yuka Saso, may maalat na four-over 76 para makuntento lang sa five-way tie sa 13th place, lubog ng pitong palo sa nag-reynang si Nippon Saki Nagamine sa wakas nitong Linggo ng 53rd Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA) Minolta cup 2020 sa  JFE Seto Inland Sea Golf […]

  • Bebot na nasa top 10 most wanted person ng Navotas, nalambat

    ISANG babae na nakatala bilang top 10 most wanted person ang nalambat ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.       Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong akusado na si alyas Ali, 24, at residente ng lungsod.       Ayon kay Col. Cortes, nakatanggap […]