Tigilan n’yo si Kai! — Kobe Paras
- Published on February 24, 2021
- by @peoplesbalita
Dumepensa si University of the Philippines (UP) standout Kobe Paras sa mga bashers ni Kai Sotto na bumalik na sa Amerika para makasama ang Ignite sa NBA G League.
Kaliwa’t kanan ang batikos sa kampo ni Sotto dahil sa umano’y maling mga desisyon nito patungkol sa basketball career ng 18-anyos na player.
Kaya naman sumaklolo si Paras sa kanyang kaibigan.
Isang mabibigat na salita ang inilatag ni Paras sa kanyang post sa social media upang depensahan si Sotto.
Ayon kay Paras, mas makabubuting suportahan na lamang si Sotto sa mga plano nito at maghintay na lamang ng tamang panahon sa bagong update sa kalagayan nito.
“I will not tolerate any Kai Sotto slander. Instead of talking bad about him and his handlers, why not wait for the final word? Why not just support him and his dreams no matter what?” ayon kay Paras.
Posibleng naka-relate si Paras sa kasalukuyang sitwasyon ni Sotto.
Matatandaang nagtungo rin si Paras sa Amerika para subukan ang kanyang kapalaran doon.
Naglaro si Paras sa iba’t ibang koponan sa Amerika gaya ng Cathedral High School, UCLA, Creighton at Cal State Northridge.
Ngunit nagpasya ito na bumalik sa Pilipinas para maglaro suot ang Fighting Maroons jersey — ang parehong koponan na pinaglaruan ng kanyang amang si Benjie.
Kaya naman naglabas ng saloobin si Paras sa kasalukuyang pinagdaraanan ni Sotto.
Soplak ang mga bashers, ika nga.
“Most of y’all opinions don’t matter. My guy is 18! How foolish y’all look talking bad about a teen,” ani Paras.
Sa kasalukuyan, nasa Amerika na si Sotto na posibleng sumasailalim sa quarantine protocols bago pumasok sa bubble ng G League sa Orlando, Florida.
Ngunit wala pang pormal na anunsiyo kung nasa loob na ito ng G League bubble.
Kaya’t marami ang nakaabang sa magiging kapalaran ni Sotto — kung makapaglalaro pa ito sa G League suot ang Ignite jersey o tuluyan nang maglalaho ang kanyang pag-asang masilayan sa aksyon sa naturang liga.
-
Warriors star Thompson, hindi makalalaro ng buong NBA season
Hindi na makapaglalaro ng buong NBA season ang pambato ng Golden State Warriors na si All-Star guard Klay Thompson matapos magtamo ng torn right Achilles injury. Ayon sa ulat, nakuha ni Thompson ang season-ending injury sa ginanap na practice game sa Southern California noong nakaraang araw. Sa inilabas ng statement ng Warriors, pinayuhan […]
-
12 e-sabong website, 8 socmed pages natukoy ng PNP
NABUKING ng Philippine National Police (PNP) ang patuloy na operasyon ng 12 e-sabong at walong social media pages sa kabila na iniutos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatigil nito. Ayon kay Lt. Michelle Sabino, hepe PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) public information office, sa 12 websites na natukoy ng PNP dalawa ang nakarehistro […]
-
Aguilar 50-50 vs NLEX
NAHULI rin pag-entra sa Clark Freeport and Special Economic Zone bubble si Philippine Basketball Association o PBA star Japeth Paul Aguilar ng Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings. Kahapon ang inaasahang dating ng big man sa Angeles City, Pampanga na playing venue ng 45 th PBA Philippione Cup 2020 eliminations na mag-oopen na bukas […]