• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PIOLO, puring-puri ng netizens habang may panlalait kina SAM at JOHN LLOYD sa throwback post ni ERIK

KAALIW naman ang throwback post ni Erik Santos sa kanyang IG account na kung saan kasama niya sa photo sina John Lloyd Cruz, Zanjoe Marudo, Sam Milby at Piolo Pascual.

 

 

May caption ito ng, “ASAP ‘08 in Guam! @asapofficial #Throwback .”

 

 

OMG, ganun na pala ‘yun katagal at pansin ng netizens na parang si Piolo lang ang walang masyadong pinagbago kumpara sa apat.

 

 

Nag-react naman si Papa P sa post na ito ni Erik, sabi niya, “@eriksantos  prow!!!! Parang kelan lang.”

 

 

Pati si Gary Valenciano ay pabirong nag-comment ng, “Parang giniginaw ka Erik?” “@garyvalenciano  actually nag fe-flex po kasi ako Kuya,” pabirong sagot din ni Erik.

 

 

Narito naman ang naging reaction ng netizens na kung saan puring-puri talaga nila ni Papa P, habang may konting panlalait kina Sam at JL, at wala yatang nagbigay-pansin kina Zanjoe at Erik.

 

 

“Si piolo walang pinagbago.”

“ang hot ni Papa P, then and now!”

“Akala ko 2018, 2008 pa pala to. OMGang tagal na ah, parang kailan lang. I’m feeling nostalgic right now. Char.”

“Oo nga kasi parang walang pinagbago mga itsura nila. Well, except for john lloyd

since 2-3 yrs ago when he “left” showbiz kuno.”

“Ang pangit ni sam milby.”

“Hindi ko nga napansin si JLC, kasama pala sa photo. Sana maibalik niya ayos niya na ganyan, mukhang malinis at malusog. Opinyon Lang po.”

“Yung itsura ni Sam sa likod parang kaklase mo na mahiyan.”

“Si Sam sumikat paglabas ng PBB pero hindi niya na-sustain and wala na siyang kinang ngayon. Cute rin siya dati but now habang tumatanda siya he’s not aging gracefully anymore.”

“sorry, but i still find sam cute hanggang ngayon.”

“gwapo pa din si Sam kahit nag ka edad na.…”

“Ang fresh pa ni JLC dyan.”

“Iba ka talaga Papa P. Edad lang nadagdagan sa iyo pero di ang hitsura.”

“Di Papa P jusko di tumatanda itsura.”

“Cherep ni papa P.”

“Yikes, Puro tanders na pala sila.”

“Lahat ok pa rin, ang papa p walang pinagbago! si jlc lang ang sobrang nalanta na. habilitation ka popoy.”

“Papa P pa din.”

“Piolo lang ang hot.”

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • P15 bilyong pondo para sa silid-aralan, aprub na sa DBM

    INAPRUBAHAN ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman noong ika-15 ng Mayo 2023 ang pagpapalabas ng pondong aabot sa P15,151,709,646.00 para sa pagpapagawa ng 4,912 na mga silid-aralan sa 1,194 sites o lugar sa buong bansa. “Ang napapanahong pagpapalabas ng pondo na pawang hiling ng Department of Public Works and Highway […]

  • Alam ng mga anak kung paano i-push ang button: YAYO, madaling maiyak ‘pag napag-uusapan ang pamilya

    SA ‘Padyak Princess’ ng TV5 ay isang single mother, si Selma, ang papel ng aktres na si Yayo Aguila.         Sa tunay na buhay, paano nakaka-relate si Yayo sa kanyang papel?         Lahad ni Yayo, “Ano, sa akin, madali lang, hindi ko kailangan humugot. Kasi parang sa akin normal […]

  • Malakanyang, ipinaubaya na sa Kongreso ang isyu ng party-list system

    IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Kongreso ang pagtugon sa concerns ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ukol sa party-list system. Napaulat na ipinanawagan ni Pangulong Duterte ang abolisyon ng party-list system bunsod ng concerns na pinalulusot ng sympathizers ng communist rebels. May ilang mambabatas sa kabilang dako ang nagpahayag na mas magiging madali na amiyendahan ang […]