• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

75% ng global supply ng COVID-19 vaccines, nabili na ng 10 bansa- PDu30

SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na 75% ng global supply ng COVID-19 vaccines ang nabili na ng 10 bansa.

 

“Magkaintindihan na lang tayo na itong problema, atin lahat. How many countries? Ilan pa lang ang mayroon, again 75% nandiyan lang sa sampu, ang iba pati tayo wala,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public address, Miyerkules ng gabi.

 

“Canada nga na kapitbahay ng America, nagdadamutan pa sila. Kino-corner talaga ng America ngayon kasi they have… 332 million (people),” dagdag na pahayag nito.

 

Kaya nga ang payo ng Chief Executive sa publiko ay maghintay at sundin lamang ang mga tagubilin ng pamahalaan.

 

Sa ulat, mahigit 200 million coronavirus vaccine doses na ang na-administer sa 107 bansa at teritoryo ayon sa Agence France-Presse tally.

 

Tinatayang may 45% ng pagbabakuna ang ginawa na sa mga bansang nabibilang sa mayayamang “G7 club” gaya ng Estados Unidos, Canada, Britain, Germany, France, Italy at Japan.

 

Samantala, 92% ng doses sa buong mundo ay ibinigay naman sa mga bansang inuri o ibinukod ng World Bank bilang “high-income” o “upper-middle income”. (Daris Jose)

Other News
  • JULIA, tinanong ng netizens kung pang-ilang ‘shampoo’ na siya ni GERALD; relasyon nila tinataningan din

    MARAMI rin celebrities ang natutuwa at kinikilig sa pagiging open na ngayon nina Gerald Anderson at Julia Barretto sa relasyon nila.     Timing sa birthday ni Gerald noong Linggo ang pag-amin ng dalawa. Naging visible na si Julia na kasama ni Gerald sa gift-giving nito at malaya na rin si Julia na mag-post ng […]

  • LTFRB: Posibleng magkaron ng PUJ fare hikes

    INAASAHAN  ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magkakaron ng panibagong round ng fare hike sa mga public utility jeepneys (PUJs) sa darating na lingo.       Ayon kay LTFRB chairman Cheloy Garafil na ang pagtataas ng pamasahe ay sinangayunan na ng LTFRB board subalit hindi pa alam kung P2 o P4 […]

  • Pangako ni Recto, mapagtatagumpayan ang P4.2T revenue target sa 2024

    GAGAWIN lahat ni bagong Finance Secretary Ralph Recto ang kanyang makakaya para mapagtagumpayan ang target ng gobyerno na makakolekta ng P4.235 trillion na buwis ngayong taon.     Ang pangako na ito ni Recto ay kanyang inihayag matapos ang panunumpa niya sa kanyang bagong tungkulin sa harap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang Kalihim […]