• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 PULIS MAYNILA, INARESTO SA PAGPATAY SA ISANG KOREANO

INARESTO  ng  Manila Police District (MPD) ang tatlo nilang kabaro matapos na masangkot sa pagpatay umano sa isang Koreano sa isang sementeryo sa Valenzuela City.

 

 

Kabilang sa nabanggit na mga pulis ay sina PCpl Darwin G. Castillo, PSSG Carl C. Legazpi at PCpl Samruss F. Inoc.

 

 

Ayon kay MPD Director Brig.General Leo Francisco, ang naging biktima umano ng naturang mga kagawad ng MPD ay si Sunuk Nam,55 anyos  kung saan nakipag-ugnayan ang tracker team ng Valenzuela Police sa MPD.

 

 

Napag-alaman na natagpuan ang biktima sa harap ng St. Angelus Cemetery Purok 4, Area 6, G. Marcelo St., Maysan Valenzuela City  noong Pebrero 15 ng umaga.

 

 

May mga ianresto naman ang Valenzuela police  kung saan natukoy ang pagkakasangkot ng  tatlong pulis Maynil sa krimen.

 

 

Kinumpirma naman ni Francisco na pawang mga nakatalaga sa  Roxas Blvd PCP ang tatlong pulis.

 

 

Ang motibo umano sa pagpaslang sa Koreano ay may kinalaman umano sa pera. (GENE ADSUARA)

Other News
  • System reconciliation tinutugunan, accounts ligtas — GCash

    Ilang GCash users ang apektado ng errors sa isinasagawang system reconciliation process.     Ayon sa GCash, ang insidente ay isolated sa ilang users, at tinitiyak nila sa kanilang mga customer na ligtas ang kanilang mga account.     “We have identified and reached out to affected accounts. Wallet adjustments are ongoing,” sabi ng GCash […]

  • PH Sports Hall of Fame

    INANUNSIYO ng Philippine Sports Hall of Fame (PSHOF) 2020 Committee na pinangungunahan ni Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez, na sa Marso na ang nominasyon para sa iluluklok sa Sports Hall of Fame.   “This is good that we met early so we have ample time to study the nominations,” ani Ramirez habang sinasalubong ang […]

  • NAGNEGATIBO SA COVID ANG BUONG DELEGASYON NG PBA

    NAKAPAGPRAKTIS na ang Magnolia Chicken, Phoenix Super LPG, Terra Firma, Talk ‘N Text at Manila Electric Company o Meralco nito Huwebes.   Samantalang Biyernes naman ang defending champion San Miguel Beer, Barangay Ginebra San Miguel, Blackwater Bossing, NorthPort Batang Pier, Rain or Shine, Alaska Milk at NLEX.   Matapos ito na walang nasuring may Covd-19 […]