600-K doses ng Sinovac Covid-19 vaccines dumating na sa Pinas
- Published on March 1, 2021
- by @peoplesbalita
Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsalubong sa 600,000 doses na donasyong Sinovac vaccine ng China.
Bago pa man mag-alas-5:00 ng hapon ay dumating na sa Villamor Air Base ang convoy ng pangulo.
Kasunod nito ang pagtungo sa kinalalagyan ng mga bakuna kontra Coronavirus Disease (COVID), at doon sila nag-usap ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.
Ilan sa mga opisyal ng gobyerno na sumalubong sa COVID vaccine arrival ay sina Sen. “Bong” Go, Presidential Spokesman Harry Roque, Health Sec. Francisco Duque, Executive Secretary Salvador Medialdea at iba pa.
Isa-isang ini-offload mula sa Chinese military aircraft ang kahong-kahon na naglalaman ng Sinovac at ito ay dinis-infect, bago kumuha ang pangulo ng sampol nito at ipinakita sa harap ng camera.
Nabatid na napaaga ang military craft ng China kung saan pasado alas-4:00 ng hapon pa lamang ay nakalapag na ito sa Villamor Air Base, taliwas sa napaulat na alas-5:00 ng hapon ito darating.
Samantala, nagpasalamat si Digong sa pamahalaan ng China para sa kanilang donasyong bakuna na panlaban sa nakakamatay na virus.
Kasabay nito, tiniyak ng pamahalaan na magtutuloy tuloy na ang pagdating sa bansa ng mga bakuna kontra Coronavirus Disease. (Daris Jose)
-
Briones, ikinalugod ang posibilidad na pag-upo ni Sara Duterte bilang DepEd chief
WELCOME kay incumbent Education Secretary Leonor Briones ang posibilidad na pangunahan ni vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte ang Department of Education (Deped). Inanunsyo kasi ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang “eventual Cabinet post” ni Duterte sa ilalim ng kanyang “eventual administration.” Kapwa nanguna sina Marcos at […]
-
YORME ISKO, PINANGUNAHAN ANG 120TH ANNIVERSARY NG MPD
“Ang karanasan ko sa pakikisalamuha sa mga kriminal, nagagamit ko ngayon bilang isang Mayor” Ito ang isa lamang sa mensahe ni Mani Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa kanyang pagdalo bilang pangunahing pandangal sa ika-120th founding anniversary ng Manila Police District (MPD) Miyerkoles, sa MPD headquarters sa UN Ave., Manila. Sa kanyang […]
-
Hinaing ng sportsman, businessman ng Rizal (Unang bahagi)
MATAGAL-TAGAL na ring kilala ng TP si Adi delos Reyes. Isang mahusay na race organizer sa ilalim ng kumpanya niyang Eventologist Compnay na nakabase sa Metro Manila. Maginoo, mahinahon, mabait, marunong makisama. Kaya hindi ko mapahindian ang paghingi niya ng tulong sa isa naming pag-uusap sa FaceBook messenger kamakailan. […]