LOCKDOWN SA NAVOTAS CITY HALL, PINALAWIG
- Published on March 3, 2021
- by @peoplesbalita
NILAGDAAN ni Mayor Toby Tiangco ang Executive Order No. TMT-019 na nagpapalawig ng hanggang March 9, 2021 ang lockdown sa Navotas City Hall, kabilang ang Navotas City Hall Annex (kasama ang NavoServe) at Franchising Permits Processing Unit.
Ayon kay Mayor Tiangco, sa isinagawang mass testing ng mga kawani ng city hall, napag-alaman na may nadagdag na 63 na nagpositibo sa COVID-19.
“Para mapangalagaan ang kapakanan ng bawat empleyado at mga mamamayang pumupunta sa city hall, kinailangan pong habaan pa ang ating lockdown. Kung may urgent concerns man po sa alinmang tanggapan ng pamahalaang lungsod, maaari po kayong mag-email sa office.mayor@navotas.gov.ph” ani alkalde.
Paalala niya, manatiling mag-ingat dahil hindi nakikita ang virus at kahit hindi man aniya iindahin ang COVID-19, maaaring ang mga kasama sa bahay na mahihina ang katawan ang lubhang maapektuhan o mamamatay.
Unang isinailalim sa lockdown ang Navotas City Hall noong 23 February, 8:01PM, hanggang sa Linggo, 28 February, 11:59PM matapos may 24 kawani nito ang nagpositibo sa COVID-19.
Nitong March 1, 2021, umabot na sa 6,137 ang tinamaan ng naturang sakit sa lungsod, 358 dito ang active cases, 5,586 ang mga gumaling at 193 ang binawian ng buhay. (Richard Mesa)
-
BI, magbibigay ng serbisyo sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair
SINABI ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na ang ahensiya ay magbibigay ng immigration services sa nalalapit sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair Leyte Normal University in Tacloban City nitong Agosto 2-3. Ito ay ang mabilis na access kabilang ang tourist visa extensions, exit clearances, dual citizenship applications, at iba pang serbisyo. Ang insyatibo […]
-
‘Byahe ni Kiko’ umarangkada, solusyon sa gutom at mataas na presyo ng pagkain
UMARANGKADA na noong linggo ang “Byahe ni Kiko: Hello Pagkain, Goodbye Gutom” caravan ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan, kung saan bitbit nila ang seguridad sa pagkain ng mga Pilipino bilang mahalagang isyu sa halalan sa Mayo. Sa pagtakbo niya bilang bise presidente, iginiit ni Pangilinan na ang isyu ng pagkain ay dapat nasa […]
-
Tsukii sumipa ng gold sa Cairo meet
Inangkin ni Fil-Japanese karateka Junna Tsukii ang gold medal matapos ungusan si Egyptian bet Areeg Rashed, 2-1, sa women’s kumite -50 kilogram division sa 2021 Karate1 Premier League sa Cairo. Isang matulis na suntok ang nailusot ni Tsukii sa natitirang anim na segundo para takasan si Rashed sa kanilang finals match. […]