• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ANGEL, labis ang pasasalamat sa ginawang tribute ng FDCP bilang isa sa ‘Cinemadvocates’; tatanggap din ng IVR Award sa ‘4th EDDYS’

NAGPASALAMAT si Angel Locsin sa ginawang tribute ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na kung saan isa siya sa ginawaran ng 2021 Cinemadvocates sa katatapos lang na 5th Film Ambassadors’ Night.

 

 

Post ni Angel, “Thank you @fdcpofficial for this heartwarming tribute.
“Masuwerte lang ako na meron akong @neil_arce na hindi ako pinapabayaan at laging nasa tabi ko kahit na anong mangyari.    “Si @dimplesromana na isa sa pinakamabuting puso na makikilala mo na mahahawa ka sa pagmamalasakit sa tao, pagpupursige, pagiging totoo, at mabuting kaibigan.

 

 

“Si @gines.sarangaya na bukod sa napakatalino at maabilidad, ay mulat sa mga dinadananas ng tao at handang tumulong ano mang oras. Si Dra. @marevmatic2019 , na isang tunay na bayani. Kahit naka-quarantine ay nais pa ring magbigay serbisyo at makatulong.     “At syempre, sa lahat ng mga naniwala. Nakakahiya man na ako ang nabigyan ng parangal, pero sila po ang rason kung bakit ako nakakakilos. Sana sa pinakita nila, marami pa hong mabigyang inspirasyon.

 

 

“Maraming salamat FDCP.”

 

 

Sagot naman ni Dimples Romana sa kanyang post, “I love you Mars. Ngayon pwede ko na kayo mabisita kasi Hindi na ako matatakot mabanggit sayo ang surprise tribute.”

 

 

Maraming followers niya ang bumati at ganun din ang ilang mga stars tulad ni Ruffa Gutierrez,

 

“Congratulations Gel!! You are truly an inspiration. Mabuhay ka!!”

 

 

“Congratulations Gel! God bless your pure heart.” post naman ni Eula Valdes.

 

 

Say naman ni Dra. Marev Matic, You deserve it angel!!! Couldn’t think of anybody more commendable than you. Take care.

 

 

Thank you for allowing me to have a greater platform to help. It has been an utmost pleasure and honor to have worked with you guys @therealangellocsin, @neil_arce@dimplesromana, @gines.sarangaya. always keep safe, stay healthy and take care. Til the next outreach.…

 

 

Samantala, isa naman si Angel sa mga napiling bibigyan ng parangal sa 4th EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na magkakaroon ng virtual event sa March 22, 2021.

 

 

Kasama niya sa list ng first recipients ng ilulunsad na IVR (Isah V. Red) Award sina Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., Angel Locsin, Kim Chiu, Ramon Ang, Rhea Anicoche-Tan at Claire de Leon-Papa dahil sa kahanga-hanga nilang pagtulong sa mga Pilipinong naapektuhan ng global health crisis.

 

 

Kaabang-abang din ang labing-apat na kategorya ang paglalabanan, kabilang na ang Best Picture, Best Director, Best Actress at Best Actor na mula sa mga de-kalidad at natatanging pelikula ng 2020.      

 

Ganun din ang pagpaparangal sa EDDYS Icon awardees, pati na rin ang taunang special awards.

Other News
  • RHIAN, tuluyan nang nagpaalam bilang co-host ni WILLIE at balitang pupunta ng Paris

    TULUYAN nang nagpaalam si Kapuso actress Rhian Ramos bilang co-host ni Willie Revillame sa “Tutok To Win” na napapanood Mondays to Fridays.      Actually, dalawa silang co-hosts noon ni Willie, si Ai Ai delas Alas, na nauna nang nagpaalam dahil pupunta naman ng Las Vegas para bisitahin nila ng asawang si Gerald Sibayan ang […]

  • Tinawag na ‘Charice’ at kinumpara kay Ice: JAKE, tinalakan ang basher na nanghinayang sa kanyang boses

    PINATULAN at tinalakan ni Jake Zyrus ang isang netizen na tinawag siya sa dati niyang pangalan at sinabihan na sayang ang kanyang boses. “Sayang boses mo Charice. Bakit si Ice Seguerra trans man pero never binago ang boses. Sayang talaga,” post ng basher. Sinagot ito ni Jake ng, “first of all, with respect to my […]

  • Paghahanap sa 14 Pinoy sa OccMin boat collision, patuloy pa rin

    Nagpapatuloy pa rin ang search and rescue operation ng Philippine Coast Guard o PCG sa mga nawawalang mangingisda at pasahero ng isang fishing boat sa Occidental Mindoro.   Katuwang ngayon ng PCG sa paghahanap ang tauhan ng Philippine Navy at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR maging ang Bureau of Fire Protection o […]