A2 group o grupo ng mga Senior, nananatiling pinakamababang hanay na nagpapaturok ng bakuna laban sa COVID-19
- Published on July 31, 2021
- by @peoplesbalita
PATULOY ang panawagan ng paamahalaan sa mga senior citizens o mga lolo’t lola na magpabakuna na.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na ang mga lolo’t lola ang pinakadelikado sa pinangangambahang Delta variant na mas mabilis ang transmission kaysa sa nauna nang COVID 19.
“So success po tayo sa ating mga health frontliners. So ang medyo talaga pong mababang nagpapabakuna ay ang mga seniors. Naku, lolo/lola, kayo po ang pinakadelikado dito sa Delta variant, sana po ay magpabakuna na po kayo,” ayon kay Sec. Roque.
Tiniyak naman ni Sec. Roque na nananatili namang may special lane para sa mga seniors sa harap ng nagpapatuloy na prayoridad na ipinagkaloob ng pamahalaan para sa kanila para mabakunahan.
Sa kabilang dako, sinabi ni Sec. Roque na tagumpay naman ang vaccination sa hanay ng mga nasa A1 group o sa panig ng mga health workers.
Tinatayang, nasa 90% na aniyang mga nasa medical workers ang nababakunahan na sa mga susunod na araw ay makukuha na ang 100%.
“So mayroon pong partial compliance at siguro po, kung tatagal pa ay hindi po malayo na talagang io-open na natin iyan for all ‘no, pero hindi pa po sa ngayon dahil mayroon pa tayong obligasyon po, lalo na doon sa mga donated na mga bakuna natin, na ipa-prioritize pa rin natin ang A1, A2 at A3. Ang A1 po ay halos tapos na tayo, 90% na po tayo diyan,” anito. (Daris Jose)
-
PNP: 192K pulis ikakalat ngayong holiday season
UPANG masiguro ang kaligtasan at kaayusan sa pagdiriwang ng Pasko ngayong taon, tinatayang nasa 192,000 pulis ang ipakakalat sa buong bansa. Ayon kay PNP Chief General Rodolfo Azurin, Jr., titiyakin niya ang police visibility sa lahat ng mga lugar na dinadagsa ng tao. “So kailangan nakikita ang ating kapulisan, ang kanilang […]
-
MATTHEW PERRY, walang masyadong energy at may kakaiba sa pagsasalita sa reunion ng ‘Friends’
MARAMING fans nakapanood ng Friends: The Reunion ang worried sa kalusugan ng cast member na si Matthew Perry. Si Matthew ang gumanap sa role na Chandler Bing sa Friends. Napansin ng marami ang pag-slur nito kapag nagsasalita at tila wala siyang masyadong energy considering na siya ang pinakanakakatawa sa buong cast. […]
-
Tanggapan ng Radio Veritas, isinailalim sa “pansamantalang lockdown”.
Tiniyak ng himpilan ng Radio Veritas 846-ang Radyo ng Simbahan na patuloy na mapakikinggan sa himpapawid at mapapanood sa pamamagitan ng video streaming at Veritas 846 Facebook page ang mga misa at mga programa ng himpilan. Ito ay kaugnay sa ipatutupad na ‘pansamantalang lockdown’ o pagsasarado ng Radio Veritas main studio na matatagpuan sa […]