Abalos, handang makipag-dayalogo sa mga street vendors
- Published on November 5, 2021
- by @peoplesbalita
NAKAHANDA si Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na makipag-usap sa mga street vendors lalo na sa Baclaran na nasasakupan ng Pasay at Paranaque City.
Biglang dumagsa at nagsulputan kasi ang mga illegal vendors sa Baclaran makaraan ang pagbaba sa Alert Level 3 sa Metro Manila na posibleng maging sanhi ng pagkalat muli ng kinatatakutang sakit na COVID-19.
Ani Abalos, naiintindihan naman njya ang kalagayan ng mga vendors na matagal na nawalan ng kita dahil sa dalawang taon na pandemya.
Iyon nga lamang ang kanyang apela sa mga street vendors ay huwag namang sakupin ang kalsada na para sa mga motorista at pedestrian.
Dahil dito, ipinag-utos ni Abalos ang kanyang mga tauhan na ipatupad ang pagbabantay sa mga illegal vendors sa Baclaran subalit iniutos din ng opisyal na huwag kukunin ang mga paninda ng mga street vendors for humanitarian reason dahil narin sa alam ng MMDA Chairman na apektado rin sila sa krisis dulot ng pandemya.
At dahil sa nalalapit na ang Pasko, giit ni Abalos ay naiintindihan niya ang kalagayan ng mga street vendors na kailangan kumita ngunit kinakailangan aniya na may disiplina sa lansangan upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19 para maging maayos at masaya ang lahat sa araw ng Pasko. (Daris Jose)
-
Mojdeh magtatangkang pumasok sa World Cup Finals
SASALANG na ngayong araw si Philippine national junior record holder Micaela Jasmine Mojdeh sa dalawang events sa pagsisimula ng 2024 World Aquatics Swimming World Cup second leg sa Munhak park Tae-Hwan Swimming Pool sa Incheon, South Korea. Anim na events ang lalahukan ng Behrouz Elite Swimming Team (BEST) standout — ang 200m breaststroke, […]
-
6 drug suspects nadamba sa buy bust sa Valenzuela
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng anim na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos matimbog sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela city, kahapon ng madaling araw. Sa imbestigasyon ni PCpl Christopher Quiao, dakong 3:20 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) […]
-
Manila Water, public at private sector kapit-bisig sa pagdiriwang sa Earth Day
MAGKASAMANG ipinagdiwang ng Manila Water at mga partners sa public at private sectors ang Earth Day sa pamamagitan ng pagsasagawa ng hike at bike para sa kalikasan. Ang Earth Day na ipinagdiriwang tuwing April 22 ng bawat taon, ang Manila Water kasama ang kanilang partners ay nagsama sama ulit sa La Mesa Nature […]