Abalos sa LGUs: alisin ang mga sagabal sa kahabaan ng mga pangunahing lansangan, alternate roads
- Published on July 11, 2022
- by @peoplesbalita
IPINAG-UTOS ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur’ Abalos sa local government units (LGUs) na gawing “free major roads and alternate routes” ang kani-kanilang hurisdiksyon mula sa lahat ng obstructions o sagabal na hadlang sa maayos na takbo ng trapiko.
Ang paggamit aniya sa mga lansangan bilang parking slots para sa mga motorista kabilang na ang harapan ng ng mga business establishments at harap ng bahay ng mga motorista na walang sariling garahe ay nagdudulot ng ‘bottleneck’ sa mga major at alternative roads, lalo na sa Kalakhang Maynila at iba pang urban areas.
Sa mga lalawigan, may ilang road widening projects ng gobyerno ang nagiging walang silbi dahil ginagamit lamang itong parking slots ng mga motorista kabilang na ang overnight parking.
Giit ni Abalos, ang totoong solusyon para mapagaan ang traffic congestion ay mass transport, itinuro nito ang Light Railway Transit (LRT), Metro Rail Transit (MRT), bus carousel system at maging subway.
“So, habang ginagawa pa ‘yung subway, habang piniprepare pa ‘yung mass transport.. what you have right now is of course manufacturing of cars,’’ dagdag na pahayag nito.
Sa kabilang dako, hiniling naman niya sa DILG Undersecretary for Barangay Affairs na i-monitor ang lahat ng “Mabuhay Lanes” at ipatupad ang ‘appropriate sanctions’ sa mga barangay officials na matitigas ang ulo at non-complying.
Hindi naman binanggit ni Abalos ang pangalan ng DILG Undersecretary for Barangay Affairs subalit sa isang kalatas mula Kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, sinabi nito ang naging pahayag ni Executive Secretary Vic Rodriguez, na si Barangay Captain Felicito “Chito” Valmocina of Holy Spirit, Quezon City ang napili na magsilbi bilang undersecretary ng nasabing departamento.
Sinabi ni Abalos na ang pagtaas ng bilang ng mga sasakyan sa mga major thoroughfares at side streets kada taon na walang ‘volume reduction program’ “as of the moment.”
“So face with that dilemma talagang kailangan magtulungan ang lahat para talagang masugpo itong traffic,’’ ayon kay Abalos.
Sinabi pa niya na ang face-to-face classes ay maaaring magsimula sa Agosto.
“So you could just imagine the volume of vehicles that will really traverse main thoroughfares of EDSA (Epifanio delos Santos Avenue). We will give support to MMDA (Metropolitan Manila Development Authority) at of course dito sa ating mga kasamang LGUs (and of course to our LGU partners)’’ ayon kay Abalos, Tinukoy ang expertise ng MMDA sa traffic management. (Daris Jose)
-
Unang anibersaryo ng kamatayan ni Noynoy Aquino ginunita
GINUNITA kahapon June 24 ang unang anibersaryo ng pagpanaw ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Si Noynoy ang ika-15 na presidente ng bansa, na siyang naglingkod siya mula 2010 hanggang 2016. Nag-alay ng misa para sa dating pangulo na siyang dinaluhan ng malalapit niyang kamag-anak, kaibigan at mga dating nakatrabaho. Isinagawa ang […]
-
Pumalag ang ilang mga mambabatas sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na maging patas naman sa Kamara
Pumalag ang ilang mga mambabatas sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na maging patas naman sa Kamara patungkol sa mga umano’y kongresista na dawit sa korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Giit dito ni Committee on Justice Vice Chairman at Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin, dapat na pangalanan na ngayon ng […]
-
Mental health issue sa gitna ng COVID-19 pandemic, pinapatutukan sa pamahalaan
Pinapatutukan ni House Committee on People’s Participation chairperson Rida Robes sa pamahalaan ang issue sa mental health sa gitna ng COVID-19 pandemic. Mas dumami kasi aniya sa ngayon ang insidente ng depression at suicide bunsod ng pandemya. Sa kabila aniya ng seryosong problema na ito ay limang porsiyento lamang ng budget […]