• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Abalos, umapela sa publiko na huwag magpa-third dose ng bakuna laban sa Covid-19

UMAPELA si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos sa mga mamamayang Filipino na huwag tangkaing magpaturok ng third dose ng coronavirus disease (COVID-19) vaccine.

 

Giit ni Abalos, illegal ang magpaturok ng third dose ng covid 19 vaccine na tinatawag na “booster”.

 

Aniya, ang pagpapaturok ng third dose ay pag-alis sa oportunidad sa kapuwa na hindi pa bakunado kahit isang beses pa lang.

 

“Ngayon binabakunahan po natin ang first and second doses. ‘Wag na ‘wag kayong magpapabakuna ng pangatlo dahil nagkakakulangan na ng bakuna. Uunahin po natin ‘yung first dose at second dose,” ayon kay Abalos sa isang panayam habang nagsasagawa ng pag-iinspeksyon sa proseso n pagbabakuna sa munisipalidad ng Pateros.

 

“Kaya ako nagsama ng mga awtoridad ngayon para ma-imbestigahan itong mga nagpapabakuna ng booster dahil bilang patakaran, bawal po ito. Hindi dapat gawin ito. Makunsensya naman kayo, and andaming wala pang bakuna, hirap na hirap na nga tayong magbakuna,” dagdag na pahayag ni Abalos.

 

“Ito panawagan ko–kulang tayo sa bakuna ngayon. Makunsensya naman kayo, ‘yung iba wala pang bakuna tapos kukuha kayo ng booster? ‘Wag naman ganun. Ang patakaran natin ngayon, first and second dose as far as government is concerned,” aniya pa rin.

 

Binigyang diin ni Abalos na ang available na bakuna sa bansa na nakuha ng pamahalaan para sa publiko ay binili o donasyon mula sa ibang bansa sa pamamagitan ng COVAX facility.

 

Sa kabilang dako, hindi naman lingid sa kaalaman ni Abalos ang mga balita sa social media na may mga indibiduwal ang di umano’y nakatanggap ng dalawang anti-COVID shots sa Mandaluyong City at nakatanggap ng third shot sa ibang local government unit (LGU).

 

“Siguro ang tanong dito, anong kaso?,” ayon kay Abalos.

 

“For one, tignan natin yung form niya. Kasi may form yan kung ilang shots pa, kung first or second. Tinitignan natin, pinapa-imbestigahan natin. Ngayon kung nilagay mo roon na isa ka pa lang, or dalawa, yun pala pangatlo ka na, that’s falsification,” paliwanag nito.

 

“We have to review our forms here and even review our ordinances here…maawa naman kayo,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • PANAWAGAN ng LCSP – SIGURADUHIN ang MURANG HALAGA at SAPAT na SUPPLY ng FACE SHIELDS PARA SA COMMUTERS

    Mapagsamantalang mga negosyante at hoarders bantayan at kasuhan!  Biglang nagkaubusan ng face shield at tumaas pa ang presyo nito matapos i-anunsyo ng DOTr na kailangan ay naka face shield at face mask na ang mga pasahero kung nais makasakay sa pampublikong sasakyan. Ibig sabihin – no face mask at no face shield, no ride!   Ang […]

  • Bagong Omicron subvariant ng COVID-19 posibleng magdulot ng bagong surge – OCTA

    NAGBABALA ang OCTA Research Group hinggil sa tatlong bagong subvariants ng Omicron na maaaring magresulta ng panibagong surge sa mga kaso ng COVID-19 sakaling madetect sa Pilipinas.     Ayon kay biologist Fr. Nicanor Austriaco, mas nakakahawa ang BA.4, BA.5 at BA.2.12.1 kumpara sa BA.2 subvariant na kasalukuyang dominant ngayon sa ating bansa at sa […]

  • ‘The Suicide Squad’ New Clip Spotlight On Nathan Fillion’s The Detachable Kid

    JAMES Gunn, the director of the Guardians of the Galaxy films, is really going out of the conventional superhero film formula in his upcoming DC film, The Suicide Squad.     In his take of the supervillain team, Gunn has rounded up a much bigger roster of characters compared to David Ayer’s 2016 film, Suicide Squad. And within this […]