‘Abe-Nida’, passion project ni Direk LOUIE; hinintay na maging available si ALLEN at dream din makatrabaho si KATRINA
- Published on March 13, 2021
- by @peoplesbalita
BALIK sa pagpoprodyus ang BG Productions International matapos manahimik dahil sa pandemya.
Ang comeback movie ng kompamyang pag-aari ni Madame Baby Go ay ang Louie Ignacio art film titled Abe-Nida, na bida sina Allen Dizon at Katrina Halili.
Ayon kay Direk Louie, passion project niya itong Abe-Nida at talagang hinintay niya ang availability ni Allen dahil ang award-winning actor ang gusto niya to play Abe sa project niya.
Eight years old na raw ang passion project niyang ito, ayon pa kay Direk Louie pero hindi niya ito magawa kasi masyadong naging busy si Allen sa ibang projects. Wala naman daw siyang ibang choice for the role kundi ang Kapampangan actor.
“Magaling na actor si Allen pero I want to challenge him more dahil isang mentally-challenge sculptor ang role nito sa ‘Abe-Nida’. Bagay kay Allen ang role and excited na ako kung paano niya gagampanan ang papel ni Abe,” wika pa Direk Louie.
Dream din ni Direk Louie na makatrabaho si Katrina Halili sa pelikula dahil unang kita pa lang niya rito sa StarStruck season 1 ay naniniwala na siya na may potential ito bilang aktres.
Si Direk Louie ang sumulat ng kwento ng Abe-Nida pero ang sumulat ng script ay si Ralston Jover, ang award-winning writer-director of several indie movies na prinodyus ng BG Films International.
Ayon pa kay Direk Louie, inspired by a true story ang kwento ng Abe-Nida. Tungkol ito sa matinding pagmamahal ng isang sculptor sa kanyang asawa at kung ano ang naging epekto sa kanya matapos siyang iwan nito.
“Maganda talaga ang kwento and inspired ako na gawin ito,” sabi pa ni Direk Louie.
Bukod kina Allen at Katrina, kasama rin sa movie ang mga award-winning directors na sina Ms. Laurice Guillen at Joel Lamangan (na nagwagi ng Gawad Urian para sa School Service, na project din ni Direk Louie). Tampok din sa movie ang nagbabalik-pelikula na sina Leandro Baldemor at Ina Alegre.
Very thankful sina Direk Louie sa dalawang premyadong director dahil pumayag silang mag-artista sa pelikula niya.
Si Laurice ang gaganap na tiya ni Allen samantalang si Joel naman ay gaganap na pari.
Lock in ang shooting ng Abe-Nida at nakatakda ang first shooting day nila sa April 12.
***
PWEDENG-PWEDE na idagdag ni Iza Calzado sa kanyang memorable TV screen portrayals ang papel niya bilang Ellice sa pinag-uusapang Kapamilya serye na Ang Sa Iyo Ay Akin.
“Ellice would do everything for her child (played by Kira Balinger).Her family is what is important to her. I would like to thank Kira for allowing me to be a mother to her on the set. Is this a preparation for motherhood but I must say it is a wonderful experience to have portrayed Ellice,” kwento ni Iza sa farewell presscon ng teleserye.
Sabi pa ni Iza, sa maraming naganap sa kwento, ang tamang desisyon ang sinunod ni Ellice para sa kanyang anak.
Pinapurihan din ni Iza ang buong production team ng Ang Sa Iyo Ay Akin dahil nakagawa sila ng isang highly-entertaining show despite the challenge of the pandemic. Binuo ng production ang isang bonggang palabas na bumihag sa puso ng mga manonood.
“I am amazed that people from all over the world find ways to watch the show matapos na mawalan ng franchise ang ABS-CBN. Hindi bumitiw ang tao sa panonood. Kaya naman very thankful ako na kahit sa huling dalawang linggo ng program ay mapapanood kami sa TV5,” wika ng award-winning actress.
Winika pa ni Iza na hindi daw dapat palampasin ang natitirang episodes for the finale week dahil mas marami pang matitinding rebelasyon ang mabubunyag.
Nagpaslamat din si Iza sa ABS-CBN management for continuing the show despite the difficulty brought by the pandemic.
“We had to adjust because of the pandemic but little did we know that we are going to have a good run because of the support given to us by the audience,” sabi pa ng aktres.
Don’t miss the heart-pounding last two weeks of the hit series which airs nightly at 8:40 PM on A2Z channel and TV5. (RICKY CALDERON)
-
Sinopharm booster, walang side effects kay PDu30- Nograles
HINDI nakaranas ng kahit na anumang masamang epekto si Pagngulong Rodrigo Roa Duterte matapos na makatanggap ng kanyang Sinopharm booster shot laban sa COVID-19. Ito’y sa kabila ng wala pang data ang makapagpapakita na ang Sinopharm ay “appropriate booster.” “Wala naman pong masamang epekto kay President Duterte [ang Sinopharm] sa pagkakaalam […]
-
Sinibak na parak, kulong sa pangongotong
Isang parak na sinibak sa serbisyo ang dinampot sa isinagawang entrapment operation ng mga tauhan ng Maritime Police matapos ireklamo ng pangongotong ng pera sa mga delivery truck ng isda sa loob ng Navotas Fish Port Complex (NFPC) sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Nakasuot pa ng police field service uniform (FEU) si Don De […]
-
Lillard pumukol ng 11 tres sa panalo ng Blazers
PORTLAND, Ore. — Dinuplika ni Damian Lillard ang sarili niyang franchise record na 11 three-pointers at tumapos na may 38 points para pamunuan ang Trail Blazers sa 133-112 dominasyon sa Minnesota Timberwolves. Kumonekta si Lillard ng matinding 11-for-17 shoo-ting sa 3-point range at hindi na naglaro sa fourth quarter para sa Portland (15-12) […]