• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ABS-CBN sinubukang ‘manuhol’ ng P200-M para sa franchise vote — solon

Nauwi na raw sa paninilaw ng pera ang kampo ng Kapamilya Network makabalik lang sa ere, paglalahad ng isang mambabatas, nitong Miyerkules.

 

Ngayong linggo inaasahang tatapusin ng Kamara ang botohan para sa franchise renewal ng ABS-CBN matapos nitong mapaso noong ika-4 ng Mayo, bagay na naidulot ng pagkakabinbin nang mahigit isang dosenang panukalang batas sa Konggreso.

 

“May tumawag sa atin, nagpakilalang emisaryo ng ABS-CBN at hinihimok tayong bumoto pabor sa ABS-CBN kapalit ng P200 milyon,” sabi ni ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap

 

“Simple lang ang sagot ko, hindi for sale ang prinsipyo at boto ko.”

 

Wala pa namang pahayag ang ABS-CBN patungkol sa naturang paratang ng “pagpapadulas” sa mga konggresista. Bukas naman ang pahina ng PSN para sa panig ng network.

 

Wika pa ni Yap, natanggap niya ang tawag dalawang linggo na ang nakalilipas. Hindi niya raw agad ito isiniwalat sa dahilang ‘di pa raw niya natitiyak kung taga-Dos talaga ang nag-utos sa tumawag.

 

Una nang sinabi ng network na nanganganib ang trabaho ng mahigit 11,000 empleyado’t manggagawa kung tuluyang hindi makakapagbalik serbisyo sa publiko.

 

Si Yap ay kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte, na una nang nagsabing hindi niya ipare-renew ang prangkisa ng istasyon kung siya ang masusunod. Hindi kasi naiere ng himipan ang kanyang mga political ads noong kumakandidao pa siya sa pagkapangulo noong 2016.

 

“Now, ABS-CBN, their franchise is due for renewal… But I will never also intervene. But if I had my way, I will not give it back to you,” sabi ni Digong noong 2018.

 

Sa kabila niyan, napatawad na raw ng presidente ang kumpanya matapos humingi ng tawad ni ABS-CBN president at chief executive officer (CEO) Carlo Katigbak. Gayunpaman, hindi raw siya mangingialam sa botohan at hahayaan ang lehislatura.

(Daris Jose)

Other News
  • 300 tauhan ng DOH nagpositibo sa COVID-19

    UMABOT na sa 300 tauhan ng Department of Health (DOH) ang nagpositibo sa COVID-19 habang nasa 400 naman ang sumasailalim sa ‘quarantine’ dahilan para bumaba ang kapasidad sa paggawa ng ahensya.     “Marami rin po infected, marami rin po naka-quarantine kaya ngayon po medyo mababa po ‘yung workforce namin. But we are still doing […]

  • PDu30, kumpiyansa na ang kanyang successor ay magko-‘commit’ na tuldukan ang problema sa ilegal na droga

    KUMPIYANSA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang susunod na Pangulo ng bansa ay masigasig din na itigil ang malaganap na ilegal na droga sa bansa.     Ito’y bunsod na rin ng pag-aalala ng Pangulo sa posibleng muling pagkabuhay ng ilegal na droga matapos ang kanyang termino sa Hunyo 2022.     “Paalis na […]

  • PRODUCER SAM RAIMI’S “THE UNHOLY” UNVEILS NEW TRAILER

    COLUMBIA Pictures has just released the international trailer of the supernatural horror-thriller The Unholy from producer Sam Raimi (Spider-Man, Evil Dead).     Check out the trailer below and watch The Unholy in Philippine cinemas soon.     YouTube: https://youtu.be/8RL9fqJDWW0     About The Unholy     Be careful who you pray to….     On the holiest weekend of the […]