ABS-CBN umamin na may pagkakamali
- Published on February 22, 2020
- by @peoplesbalita
Noong Huwebes, Pebrero 20 ay naglabas ng pahayag ang presidente at CEO ng ABS-CBN na si Carlo Katigbak.
Sa kanyang statement, nagpasalamat si Katigbak, na bilang isa sa 11,000 empleyado ng ABS-CBN, ay nabigyan siya ng pagkakataon na makapaglingkod sa mga Pilipino.
Aniya, darating din daw ang araw na magkakaroon sila ng pagkakataon na linawin ang mga isyu tungkol sa kanilang prangkisa.
Sa kabila na wala silang nakikitang balakid para hindi patuloy na makapaglingkod ang ABS-CBN ay susunod sila sa anumang proseso na dapat nilang pagdaanan, ayon sa batas.
Inamin niyang serbisyo man ang layunin ng Kapamilya Network ay hindi sila perpekto at nagkakamali rin.
Handa silang itama ang anumang pagkukulang nila.
“Serbisyo po ang layunin ng ABS-CBN. Ngunit kami po ay hindi perpekto. Nagkakamali din po kami at handa po naming itama ang anumang pagkukulang. Kasama ito sa proseso ng pagiging isang mas matatag na kumpanya,” bahagi ng pahayag ni Katigbak.
Naniniwala naman sila sa mga mambabatas na bibigyan sila ng pagkakataong sagutin ang mga katanungan ng mga mamamayan at umaasang makikita ng mga ito ang kabutihang naidulot ng ABS-CBN sa bawat pamilyang Pilipino.
Siniguro naman niya sa mga kapwa niya empleyado sa ABS-CBN na nangangambang mawalan ng trabaho, na gagawin nila ang lahat para matuloy ang serbisyo ng ABS-CBN.
Nagpasalamat din siya sa mga nagpahayag ng suporta sa ABS-CBN, na aniya’y nagbibigay sa kanila ng tibay at lakas ng loob.
“Asahan niyo po na ipaglalaban namin ang pagkakataong ituloy ang serbisyo sa inyo. Sa mga darating na araw, hinihingi po namin ang inyong panalangin na magtutuloy ang ating pagsasama. Sa ABS-CBN po, naniniwala kami na Family is Forever,” dagdag pa niya.
-
2 Azkals stars sinusulot ng Thailand
Nakakuha ng offer mula sa Thailand league si Jarvey Gayoso matapos ang kanyang kampanya sa Azkals Development Team sa Philippines Football League (PFL). Isiiniwalat ito ni ADT coach Scott Cooper na target umanong kuhanin ng Thai clubs ang serbisyo ni Gayoso matapos nitong mapanood ang laro nito sa kakatapos na PFL bubble kung saan […]
-
SIMULATION, GAGAWIN SA AIRPORT
MAGSASAGAWA ng simulation sa airport ang Department of Health (DOH) bukas kasama ang tatlong malalaking ospital bilang paghahanda sa darating na mga bakuna na dadalhin sa mga storage facility o vaccine hub. Ayon kay Usec Maria Rosario Vergeire, mula sa paliparan dadaan sa clearance mula sa Bureau of Customs (BOC) bago ito ilabas […]
-
“Fly Me to the Moon” starring Channing Tatum and Scarlett Johansson, promises a nostalgic yet modern story set against the Apollo 11 moon landing
“This movie is so much fun and, in my opinion, smart and big,” says Channing Tatum of his new comedy drama Fly Me to the Moon. “And mounting a movie of this size is kind of like shooting a rocket to the moon.” Fly Me to the Moon is a stylish, multi-faceted […]