• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ADMU suportado ang seniors na gustong mag-pro

Walang balak ang Ateneo de Manila University na hadlangan ang mga senior players nito na nagnanais pumasok sa professional leagues sa basketball at volleyball.

 

Ito ang parehong inihayag nina men’s basketball head coach Tab Baldwin at women’s volleyball head coach Oliver Almadro kung saan parehong susuportahan ng dalawa ang sinumang players nito na magpapasyang mag-pro.

 

Nakansela ang UAAP Season 83 habang tentative pa lamang ang pagbubukas ng UAAP Season 84 dahil sa epekto ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

 

Dahil dito, ilang senior players na ang na-extend ang kanilang pananatili sa unibersidad.

 

Kaya naman hindi hahadlangan ng Ateneo ang sinumang gusto nang mag-pro.

 

“I would never stand in a player’s way about his career,” ani Baldwin.

 

Sa kabila ng pagkawala ng ilang key players na graduate na, malalim pa rin ang lineup ng Blue Eagles dahil nananatili sa koponan ang ilang matitikas na players at bagong recruits.

 

Nasa Blue Eagles pa si Ivorian Angelo Kouame habang papasok pa si Gilas Pilipinas standout Dwight Ramos na mala-pro na ang paglalaro.

 

Sa kabilang banda, wala pang pinal na desisyon si Lady Eagles opposite hitter Kat Tolentino kung lalaro pa ito sa kanyang final year o magpo-pro na.

Other News
  • Ads January 25, 2023

  • FLORENCE PUGH: A BRILLIANT, COMPLEX HEROINE IN “DON’T WORRY DARLING”

    TO portray the heroine, Alice—one-half of a deliriously happy couple in New Line Cinema’s  audacious, twisted and visually stunning thriller, “Don’t Worry Darling”—director Olivia Wilde cast globally acclaimed Academy Award-nominated actress, Florence Pugh (“Little Women,” “Black Widow”). [Watch the “Dinner Clip” from the film at https://youtu.be/FvrYrUy6NAQ] The provocative, relatable themes of the project piqued Pugh’s interest: […]

  • QC RTC Branch 223 pinayagan ng gumamit ang mga buses ng private terminals kahit anong oras

    Isang order ang binaba ng korte sa Quezon City na pinapayagan ang mga kumpanya ng mga buses na gumamit ng kanilang private terminals kahit na anong oras.       Ang Quezon City Regional Trial Court Branch 223 ang nagbigay ng order na pinapayagan ang mga provincial buses na magsakay ng mga pasahero sa private […]