AFP kinalma ang publiko kaugnay sa terror plot ng Hamas sa Pilipinas
- Published on February 22, 2022
- by @peoplesbalita
GUMAGALAW na rin sa ngayon ang intelligence community ng Armed Forces of the Philippines (AFP) hinggil sa napaulat na terror attack ng kilalang international terrorist group na Hamas sa Pilipinas.
Nakikipag-ugnayan na rin ang AFP sa PNP kaugnay sa nasabing intel report.
Ibinunyag kasi ng PNP kamakailan na may isang Fares Al Shikli alias Bashir ang nanghihikayat umano ng mga Pinoy na may koneksyon sa mga Lokal na Terrorista para magkasa ng pag-atake laban sa Israeli Community sa bansa.
Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Andres Centino, hindi naman aniya sila tumitigil sa pagbabantay at sa katunayan aniya ay wala naman silang nakikitang anumang banta sa seguridad sa kasalukuyan.
Sinabi ni Centino nakatuon aniya ang kanilang pansin sa papalapit na halalan kung saan, kailangan din nilang tuldukan ang pamamayagpag ng mga elemento ng CPP-NPA at NDF bilang bahagi aniya ng direktiba sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Centino, nakalatag na ang kanilang deployment sa Bangsamoro Autonomous Region (BAR) gayundin sa SOCCSKSARGEN na kilalang election hotspot.
Ang AFP ang siyang magiging frontliner sa pagpapatupad ng peace and order sa nasabing mga rehiyon sa pakikipag tulungan sa PNP at Comelec. (Daris Jose)
-
Grupo ng provincial bus, umaapela ng full operation sa NCR
TODO NGAYON ang apela ang isang grupo ng provincial bus operators sa gobyerno na makabiyahe ang lahat ng kanilang bus units sa Metro Manila. Ayon kay Alex Yague, executive director ng Nagkakaisang Samahan ng Nangangasiwa ng Panlalawigang Bus sa Pilipinas Inc, nasa 15 porsiyento lang ng mga may dating prangkisa ang tumatakbo ngayon. […]
-
OVP, dinepensahan ang confidential expenses, good governance fund
DINEPENSAHAN ng Office of the Vice-President (OVP) ang confidential expenses at good governance funds sa ilalim ng 2023 budget proposal. Sinabi ni Office of the Vice President (OVP) spokesperson Reynold Munsayac na ang P2.2-billion good governance fund ay inilaan para sa public assistance, gaya ng basic social services, medical at burial assistance, “Libreng […]
-
Apela na bawiin ang deployment ban sa mga health workers
HIHINTAYIN muna ng Inter-Agency Task Force ang magiging patnubay ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa apela na bawiin ang deployment ban sa health workers, Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na pinag-uusapan na ng mga opisyal ang panukalang i-exempt ang mga nurses at iba pang medical workers na may kontrata na nilagdaan “as […]