AGE RESTRICTION, OKEY SA DOH
- Published on January 27, 2021
- by @peoplesbalita
PABOR ang Department of Health (DOH) sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na manatili sa kasalukuyang age groups ang papayagang makalabas ng kanilang mga tahanan.
Ayon sa DOH, ito ay upang mabigyan ng panahon ang kagawaran para sa dalawang cycle ng genome sequencing na may sapat na representasyon mula sa lahat ng mga rehiyon upang matukoy ang lawak ng transmisyon sa mga lugar na may variant..
“The DOH welcomes the President’s directive to retain the current age groups allowed to go out. This will give us time for at least two cycles of genome sequencing with adewquate representation from all regions to determine the extend of the transmission nof the variant of concernm”, ayon sa DOH.
Matapos payagan ng Inter-Agency Task Force ang edad 10 hanggang 14 taong gulang sa mga lugar na nasa MGCQ o modified community quarantine na makalabas na ng bahay o makapamasyal ay binawi naman ito ng Pangulong Duterte.
Ito ay dahil sa posibleng matamaan ng sakit na Covid-19 ang mga bata lalo na at may bagong variant pa ng sakit na kumakalat ngayon sa bansa kung saan karamihan umanong tinatamaan ng bagong variant ay mga bata o kabataan.
-
RICKY GUMERA, umani ng papuri kaya sulit kahit may ‘frontal nudity’
HAPPY si Ricky Gumera, isa sa mga lead stars ng Anak ng Macho Dancer, sa magandang feedback ng netizens sa kanilang pelikula na nagkaroon ng digital screening last January 30. Pero ikinalungkot din niya na na biktima ng piracy ang Godfather Productions dahil maraming nag-download ng copy ng Anak ng Macho Dancer at […]
-
P16-M fund, handa para sa pagpapa-uwi ng mga Filipino mula Gaza
TINIYAK ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Filipino na nais nang lisanin ang Gaza Strip na may USD297,746 (P16 million) repatriation fund ang naka-standby para i-cover ang huling Filipino na magdedesisyon na magbalik-Pilipinas. Sa ngayon, nakasara ang Rafah border crossing dahil sa “security reasons.” “The embassy has a standby […]
-
20% discount sa mga gov’t certificates at clearances para sa job applicants, isinulong sa Senado
NAGHAIN ng panukalang batas si Sen. Ramon Bong Revilla Jr. na naglalayong bigyan ng 20 porsiyentong diskuwento ang bawat mahirap na Pilipino para sa kaukulang dokumento na kakailanganin sa kanilang pag-a-apply ng trabaho. Ito ang Republic Act No. 11261 o ang ‘First Time Jobseekers Assistance Act’ na na makakatulong sa bawat mahihirap […]