• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Agri damage dahil sa Habagat, Egay, Falcon, pumalo na sa P2.9 billion –NDRRMC

UMABOT na sa P2.9 bilyong piso ang pinsala at pagkalugi sa sektor ng agrikultura dahil sa  Southwest Monsoon (Habagat) na pinalakas ng mga bagyong  Egay at Falcon.

 

 

Base sa pinakabagong situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang  Department of Agriculture (DA) ay nakapagtala ng P2,944,689,603.82 sa production loss o halaga ng pinsala sa  Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, Bangsamoro Region, at Cordillera Administrative Region (CAR).

 

 

Tinatayang may 108,729 mangingisda at magsasaka ang apektado ng  napinsalang 153,268.39 ektarya na lugar ng pananim.

 

 

Habang 132,074.62 ektarya ang  partially damaged at nananatiling may tsansa na makabawi. May 20,104.44 ektarya ang totally damaged at wala ng pag-asa na makabawi pa.

 

 

Sa kabilang dako,  ipinaskil naman ng National Irrigation Administration (NIA) ang P137,781,000 halaga ng danyos sa Mimaropa at CAR.

 

 

Dahil sa masungit at masamang panahon pa rin, nawasak ang  573 istraktura, nagkakahalaga ng  P3,631,012,164.44 sa infrastructure damage.

 

 

Nakapagtala naman ang CAR ng pinakamataas na  infrastructure damage na may 347 structures na may halagang P2,261,635,339.74.

 

 

Ang napaulat na casualty ay nananatili naman sa  29, dalawa rito ang kumpirmado. Mayroon namang 11 iba pa na nawawala at 165 ang sugatan.

 

 

Dahil sa bagyong  Egay at Falcon at Habagat, naapektuhan ang  3,032,077 katao o 806,836 pamilya sa 4,833 barangay sa buong bansa.

 

 

Mayroon ding 648 evacuation centers na pinagdalhan sa  51,000 displaced individuals o 13,000  pamilya habang mahigit naman sa 233,000 katao o 57,000 pamilya ang nanunuluyan sa labas ng evacuation centers.

 

 

Nakapagtala naman ang NDRRMC ng  60,991 nawasak na bahay dahil sa  weather disturbances. Sa mga nasabing bahay, mayroong 58,610 ang partially damaged, at 2,381 ang totally damaged.

 

 

Mayroon ding 62 mga kalsada at apat na tulay ang hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nadadaanan.

 

 

Sinabi pa ng  NDRRMC na may  P269,448,936.61 na tulong ang ipinagkaloob sa mga apektadong rehiyon.  (Daris Jose)

Other News
  • Los Baños, Laguna Mayor Perez, patay sa pamamaril

    Patay matapos pagbabarilin si Los Baños, Laguna Mayor Caesar Perez nitong Huwebes ng gabi.   Sa imbestigasyon ng kapulisan, kagagaling lamang ng alkalde sa isang public spa malapit sa municipal hall compound at habang naglalakad ito pabalik sa receiving area ng munisipyo ay nilapitan ito ng dalawang lalaki dakong 8:45 ng gabi.   Dalawang beses […]

  • ALBIE, nabugbog at napahiya pagkatapos na kaladkarin sa pagbubuntis pero walang natanggap na apology mula kay Andi

    HINDI nagpaliguy-ligoy si Albie Casiño nang tanungin siya tungkol sa naging relasyon nila noon ni Andi Eigenmann.      Bago pumasok si Albie bilang celebrity housemate ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10, hindi niya iniwasan sumagot sa mga tanong about Andi.     Ayon kay Albie, tapos na raw siya sa pagtatakip kay Andi […]

  • Walang dapat ikabahala ang mga PhilHealth employees sa ‘abolition threat’ ni Duterte – Palasyo

    PINAWI ng Malacañang ang pangamba ng mga kawani ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kaugnay sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na planong pagbuwag sa health insurer kung hindi matuldukan ang korupsyon doon.   Sinabi ni Presidential Spokes- man Harry Roque, kilala naman ni Pangulong Duterte kung sino ang mga bulok sa tanggapan at […]