• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Air assets ng gobyerno, ipinag-utos ni PBBM na gamitin para makapaghatid ng tulong sa mga apektado ng lindol

KAAGAD na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gamitin ang  air assets ng gobyerno para mabilis na mahatiran ng pagkain ang mga apektadong residente

 

 

Ang air assets ay isa sa  mga pangunahing kailangan ng mga tinamaan ng lindol.

 

 

Sinabi ni Pangulong Marcos na  kailangan ang mabilis na paghahatid ng suplay ng tubig at pagkain at maging ang  tulong pinansiyal na dapat maibigay sa mga residenteng apektado ng malakas na paglindol.

 

 

Sa kabilang dako, layon din ng  Punong Ehekutibo na matiyak na  ang mga nasa malalayong lugar na mahirap hatiran ng tulong ay maaabot sa pamamagitan ng air assets.

 

 

Sa kabilng dako, ilan naman din sa naging direktiba ng Chief Executive  partikular sa DPWH ay mabilis sanang mabuksan ang mga lansangan habang dapat din aniyang unahin sa pag-iinspeksiyon ang mga ospital at mga health centers tsaka na lamang isunod ang mga government buildings at mga kabahayan.

 

 

Samantala, nanawagan naman Pangulo sa National Government na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para maiwasan ang pagkukulang o pag-uulit ng mga kailangang tulong  ng mga naapektuhan ng nangyaring kalamidad. (Daris Jose)

Other News
  • HEART, nagsimula na ng lock-in taping kasama si PAOLO sa Sorsogon after ng required quarantine days

    TULOY na tuloy na ang world premiere ng Legal Wives sa Monday, July 26, pagkatapos ng The World Between Us sa GMA Telebabad.     Marami na ring naghihintay kung kasama pa rin si Ms. Cherie Gil sa story kahit hindi na nito tinapos ang family series tungkol sa mga Mranaw.     Naroon pa […]

  • MAYOR TIANGCO, PINAYUHAN ANG GOV’T INTERNS

    PINAYUHAN ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang mga benepisyaryo ng Government Internship Program (GIP) na magsimula nang malakas at magtrabaho nang mahusay mula sa kanilang unang araw.     Sa kanyang mensahe sa GIP orientation, malugod na tinanggap ni Tiangco ang 20 benepisyaryo at pinaalalahanan sila na bumuo ng magandang ugali.     […]

  • JASON, nagsisisi na sa pagboto kay Pangulong RODRIGO DUTERTE at humingi ng patawad sa sambayanan

    NAGSISISI si Jason Abalos sa pagboto kay Pangulong Rodrigo Duterte.     Ipinahayag niya ito sa kanyang Twitter account kasabay ng paghingi ng patawad sa sambayanan.         “Isa ako sa mga bumoto dito. Patawarin nyo ako mga kababayan ko, ang gusto ko lang naman ay pag babago,” ang tweet ni Jason.     […]