• March 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

AJ, pinagdiinan na never naging third party sa hiwalayang ALJUR at KYLIE

KAHIT nagsalita na si Kylie Padilla na Abril 2021 pa sila hiwalay ng asawang si Aljur Abrenica ay marami pa ring namba-bash kay AJ Raval na itinuturong 3rd party sa hiwalayan ng mag-asawa.

 

 

Matatandaang kumalat sa social media ang larawan nina Aljur at AJ na nagmo-malling habang magka-holding hands at pinost ito ng netizens sabay tag kay Kylie, pero natawa lang ang aktres dahil aniya okay lang at may usapan na sila ng dating asawa na open silang makipag-date.

 

 

Say ni Kylie noon, “Gusto ko na lang mag-move on. We separated last April pa and we have already mutually agreed to date other people. Please stop dragging other parties into this. I have no intention of disclosing anymore of what happened because I want to cherish the littlest ounce of privacy I have left.”

 

 

At nag-post na rin ang ex-wife ni Aljur na gusto niya uling ma-in love dahil masarap magmahal ulit.

 

 

Pero hindi pa rin ito pinansin ng ilang netizens, hindi pa rin tinitigilan si AJ na sumira sa pagsasama nina Aljur at Kylie lalo’t may dalawa silang anak.

 

 

At dahil ayaw tantanan ang panganay na anak ni Jeric Raval kaya pinost niya sa kanyang FB page na hindi siya ang third party kina Aljur at Kylie.

 

 

Sabi ng dalaga, “Just to be clear, hindi ako ang naging third party. Okay guys? Mabuti akong tao at hindi ko kayang gumawa ng masama.

 

 

“Thank you sa mga nakakaintindi at sa support na natatanggap ko naappreciate ko kayong lahat.”

 

 

In fairness mismong si Kylie ang naglinaw na hindi si AJ ang dahilan ng hiwalayan nila at sa katunayan ay ni-like ng una ang mga kumalat na larawan nina Aljur at ng dalaga.

 

 

“Yes, I just want to confirm na hindi nga si AJ ang third party,” sabi ng ina ng mga anak ni Aljur.

 

 

***

 

 

ALIW naman ang titulo ng programa ng magkapatid na Congressman Alfred Vargas at Konsehal PM Vargas, na “Ngiting Artista Program.”

 

 

Ayon sa kapatid ng kongresista, “Ang ngiting artista ay isang programa kung saan tayo ay nagbibigay sa ating mga constituent ng libreng pustiso since 2010.

 

 

Konsehal pa lang si kuya (Alfred) ay nagbibigay na tayo n’yan. Napaka-importante n’yan sa maraming tao kasi kahit kami kapag nag-iikot kahit hindi pa uso ang facemask tinatakpan nila ang bibig nila nahihiya talaga sila minsan kung kulang sila sa ngipin.

 

 

      “At siyempre hindi lang para sa magandang ngiti pero siyempre para sa kalusugan nila. Kasi kung wala kang ngipin paano ka ngunguya. Paano ka makakakain ng masasarap na pagkain tulad ng chicharon, crispy pata.

 

 

Sabi rin ni Alfred, “Isa ‘yung ngiting artista sa mga proud tayong projects through the years. More than a decade na natin itong ginagawa. At lahat ng nakatatanggap ng ngipin-pustiso tuwang-tuwa.

 

 

      “Rito natin makikita ang halaga ng magandang ngiti, isang confident na ngiti. Kasi ang sarap mag-aplay ng trabaho at magpa-interview kapag confident ka. Kapag may maganda kang ngiti maganda rin ang pakikisama mo, a simple smile can make one person a very very happy.”

 

 

Kaya pala tinawag na ngiting artista program dahil namamahagi sila ng pustiso sa mga taga-distrito 5 ng Quezon City.

 

 

     “Kaya yung ngiting artista program hindi lang ito tungkol sa magandang ngiti sa mga kasamahan natin sa Novaliches kundi tungkol din sa pagdadagdag ng ngiti sa mga tao.

 

 

      “Para sa mga naging beneficiaries na ng ating Ngiting Artista Program, alagaan na po natin yan sana hindi na kailangang palitan. At dahil napaka importante na mayroon tayong ngiti.

 

 

      “Para sa mga gustong sumali, i-PM n’yo na lang po ang inyong lingkod pmvargasD5 dahil po once ba magbukas na po uli ang slots para sa ating libreng pustiso ay ipapasok po nating lahat kayo,” pahayag ng kumakandidatong kongresista.

 

 

Dagdag din ni Alfred, “Sana ito sa Ngiting Artista Program na ito lahat ng ating mga ka-distrito natin makangiti ng makangiti araw-araw at nakapagdala ito ng saya hindi lang sa bawat pamilya ng Novaleno kundi sa buong distrito. Patuloy po ang ating Ngiting Artista Program.

 

 

Tanong kay Alfred, “Ano at sino ang nagpapangiti sa iyo bawat araw?”

 

 

     “Mga anak ko at misis ko. Family. Malaki din ang ngiti ko kapag nakita kong nakatulong ako sa ibang tao. More on fulfillment ang nararamdaman ko kapag ganun. Ang sarap ng feeling,” mabilis nitong sagot.

 

 

Sino ang katulong ninyo sa programang ito?

 

 

“May mga celebs ba na tumulong sa project na ito? Si Dr. Millo and his ever reliable team of dentists. Meron din kaming private partners dito ever since. From the start tumutulong na sila,” pahayag ni Alfred.

(REGGEE BONOAN)

Other News
  • PH swak na destinasyon ng dayuhang pamumuhunan dahil sa lakas nito, pagkakaisa ng ASEAN

    PERPEKTONG destinasyon umano ng dayuhang pamumuhunan ang Pilipinas dahil sa malakas na ekonomiya nito at mga repormang ipinatutupad para mas maging bukas ang ekonomiya kasabay ng magandang pagsasama ng mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez.     Sinabi ni Romualdez na bagamat magkakaiba ang kultura, wika, […]

  • Malakanyang, pinalagan ang sinabi ni Senador Lacson hinggil sa drug war ng pamahalaan

    PINALAGAN ng Malakanyang ang pahayag ni Senador Panfilo Lacson na failure ang drug war ng administrasyong Duterte .   Ipinamukha ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa senador ang malaking tagumpay ng kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga at ito ay kayang patunayan ng datos.   Sa katunayan ay kalahati na ng mga barangay […]

  • PDu30, kinukunsidera ang pagtakbo sa pagka-senador sa 2022 elections

    KINUMPIRMA ng Malakanyang na kinukunsidera ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tumakbo sa pagka-senador sa 2022 national at local elections.   Nauna na kasing nabanggit ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na kinukunsidera ni Pangulong Duterte na tumakbo sa pagka-senador para patuloy siyang (Pangulo) na makapagtrabaho para sa kapakanan ng mga mamamayang Filipino.   “As far as […]