Akusasyon ni VP Robredo, pinalagan ng Malakanyang
- Published on August 29, 2020
- by @peoplesbalita
PINALAGAN ng Malakanyang ang akusasyon ni Vice President Leni Robredo na walang malinaw na direksyon ang administrasyon para tugunan ang COVID-19 crisis.
“I beg to disagree, seriously disagree with the Vice President,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Tila ipinamukha ng Malakanyang kay Robredo ang mga hakbang ng gobyerno na nagresulta ng mababang mortality rate para sa COVID-19 (1.55%) at napabuti ang kapasidad ng mga ospital para gamutin ang mga pasyente na may severe at critical cases.
“Hindi po totoo na hindi sapat ang ating response. Siguro madali pong magpula dahil hindi tayo ang nasa gitna ng pandemya at hindi tayo ang inaasahang gumalaw,” diing pahayag ni Sec. Roque.
Nauna rito, sa 20-minute speech ni Robredo, araw ng Lunes ay hayagang binatikos nito ang ginagawa ng pamahalaan sa pagtugon sa COVID-19.
Kaagad namang binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang panibagong pasaring ni Robredo sa ginagawang pagtugon ng pamahalaan sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 pandemic.
Giit ng Pangulo sa kanyang public address, nagdaragdag lamang ng “fuel to the fire” si Robredo.
Binigyang diin ng Chief Executive na ang pagsira sa pamahalaan o maging ang kanyang kamatayan ay hindi aniya solusyon sa problema ng bansa.
“Ang pakiusap lang ni Presidente, magkaisa po sa panahon ng pandemya; isantabi muna ang pulitika. Matagal-tagal pa po iyan, marami pang mangyayari mula ngayon hanggang 2022 [elections]. Tulungan muna natin ang ating taumbayan,” ayon kay Sec. Roque. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Urban gardening at aquaponics project, inilunsad sa Navotas
PORMAL na inilunsad ang Bio-diversified Fitness Project ng Bureau of Fire Protection (BFP), Technical Education And Skills Development Authority (TESDA), at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Navotas City. Ito ay isang urban gardening at aquaponics project na naglalayong pagyamanin ang environmental sustainability at magsulong ng healthy and active lifestyle sa […]
-
Mass protest sa LRT-1 fare hike nakaamba
NAGBABALA si Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña sa Department of Transportation (DOTr) sa nakaambang ‘massive protest actions’ kung hindi ipatitigil muna ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang P5-P10 taas pasahe sa Light Rail Transit (LRT) 1. Ito’y kasunod ng inianunsyo ng LRMC na simula Abril 2, ang pinakamaikling LRT-1 trip ay P20 (dating P15) habang […]
-
PBBM, tinintahan ang Loss and Damage Fund Board Act
TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang maging ganap na batas ang Republic Act No. 12019, mas kilala bilang Loss and Damage Fund Board Act. Ang bagong batas , nilagdaan ng Pangulo, araw ng Miyerkules, nagkakaloob ng ‘juridical personality at legal capacity’ sa Loss and Damage Fund Board, isang global finance […]