‘Akyat-bahay’ utas, 2 parak sugatan sa engkuwentro
- Published on February 22, 2020
- by @peoplesbalita
UTAS ang isang hinihinalang “akyat bahay” suspek matapos umanong tumangging sumuko sa mga pulis habang nakikipag-agawan ng baril sa alagad ng batas sa Quezon City kahapon (Biyernes) ng madaling araw.
Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brigadier General Ronnie S Montejo ang nasawing suspek base sa kanyang drivers license at brgy. ID na si Arnel Elcano, 52, ng No. 30 San Juan Bautista St., Brgy. Payatas, QC.
Habang nasugatan naman ang pulis na si Police Captain John Wayne Verzosa at Police Corporal Rocky Opiana ng QC Police Batasan station 6.
Ayon sa imbestigasyon ng QC police dakong alas 12:45 ng madaling araw kanina Pebrero 21, 2020 ang mga pulis ng QC Batasan Police Station 6 sa ilalim ni PLTCOL Romulus Gadaoni ay nagpapatrulya sa lugar ng Brgy. Payatas A nang lapitan sila ng isang Ricardo Caro at humingi ng police assistance.
Isinumbong ni Caro sa mga pulis na ang kanyang pamangkin na babae na si Angeline Contiga ay humingi ng tulong sa kanya at sinabi na dalawang lalaki na kahina hinala ang mga kilos ang pumasok sa loob ng kanilang bahay sa No. 51F Santo Niño Interior, Brgy. Payatas A.
Makaraang dumating sa lugar ang mga pulis agad itinuro ng witness na si Caro si Elcano at kanyang hindi kilalang kasama na pumasok sa bahay ng kanyang pamangkin.
Inutusan ng mga pulis ang mga suspek na sumuko ng mapayapa at dumapa sa lupa, subalit sa halip na sumuko agad bumunot ng patalim si Elcano at sinaksak si PCpl.Opiana na nasugatan sa mukha dahilan para mawalan ng balance ang pulis.
Agad kinuha ni PCpt. Verzosa ang patalim subalit maging siya ay sinaksak din ni Elcano sa kaliwang paa. At tinangka rin umanong agawin ni Elcano ang service firearm ng pulis at dahil nasa panganib na binaril ng pulis si Elcano upang ma-neutralize habang nakatakas naman ang kasama nito.
Isinugod ang sugatan pulis sa PNP General Hospital kung saan ito nilapatan ng agarang lunas.
Nakuha ng SOCO ang double bladed na patalim, sling bag na naglalaman ng dalawang (2) sachets ng shabu, improvisesd glass totter kabilang ang limang (5) cartridge cases ng cal. .9MM , isang (1) deformed na bala at isang (1) fired bullet. (Val Leonardo)
-
Chinee creeping invasion, nagsimula na
NAGPAHAYAG nang pagkaalarma si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa patuloy na ulat sa hindi maipaliwanag na presensiya ng mga Chinese workers, businessmen, tourists, at estudyante sa bansa. Sa ginanap na pagdinig ng ilang komite sa kamara,nanawagan si Barbers at ilang mambabatas sa PNP, PDEA, NBI, Immigration, DFA, PSA, LTO, Philippine […]
-
Rapid testing ‘di inirerekomenda ng DOH
Muling iginiit ng Department of Health (DOH) ang hindi nila pagrekomenda sa paggamit ng ‘rapid testing’ na ginagamit na basehan bilang clearance sa pagbabalik sa trabaho ng mga manggagawa dahil sa mataas na ‘false positive o false negative’ na mga resulta. Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na dati pa namang posisyon ng […]
-
‘Team Pilipinas sa Tokyo Olympics, emosyunal pa rin sa panalo ni Hidilyn ng gold medal’
Inamin ng chef de mission ng Team Pilipinas sa Tokyo Olympics na si Mariano “Nonong” Araneta na maging sila ay emosyunal sa matinding panalo noong Lunes ni Hidilyn Diaz sa weightlifting. Naikwento ni Araneta na hindi lamang sila nagdarasal kundi maging ang mga kamag-anak nila sa Pilipinas ay tinatawagan din para samahan sila […]