AL passenger mula Pilipinas unang monkeypox case ng Hong Kong — airline
- Published on September 10, 2022
- by @peoplesbalita
KINUMPIRMA ng Philippine Airlines na mayroong monkeypox ang isa sa kanilang mga pasahero, na siyang nagtungo sa Hong Kong at naging unang kaso roon.
Martes lang nang mai-record ang unang kaso ng monkeypox sa naturang Chinese territory, na siyang nakita sa isang 30-anyos na lalaking nagpakita ng sintomas habang naka-hotel quarantine.
“We were advised that one of our passengers on our PR300 flight last 05 Sept 2022 from Manila to Hong Kong was reported to have a case of monkeypox,” ani Cielo Villaluna, tagapagsalita ng PAL, Miyerkules.
“In line with international health protocols, we have coordinated with the health authorities in Hong Kong and sharing relevant manifest information. We have communicated to the Philippine Department of Health about the said case.”
Ilang araw nang hinihingian ng pahayag ng reporters ang DOH patungkol sa naturang kaso, ngunit hindi pa rin tumutugon sa ngayon.
Inabisuhan na raw ng airline ang kanilang mga pasaherong nakaupo malapit sa nasabing traveler na nahawaan ng monkeypox.
“Despite the relatively low risk of getting infected, passengers on this flight are advised to monitor their health condition and requested to seek medical attention if they are experiencing symptoms,” sabi pa ni Villaluna.
“They can contact the Centre for Health Protection (CHP) of the HK Department of Health (DH).”
Sa ulat ng AFP, sinabing dumating ng Hong Kong ang naturang kaso at agad na dinala sa ospital matapos sumama ang pakiramdam, ayon sa health official na si Edwin Tsui.
Aniya, malaking panahon ang ginugol ng naturang pasyente sa Estados Unidos bago pumunta sa Canada ng isang linggo.
Nagtungo naman siya sa Pilipinas bago tuluyang lumapag sa Hong Kong.
Itinuturing siya ngaying imported case at hindi nagkaroon ng contact sa komunidad, dahilan para sabihing “very low” ang tiyansang maipasa ito sa mga lokal. Wala pa namang natutukoy close contacts sa ngayon.
Ilan sa mga sintomas na kanyang ipinakita ay skin rashes, namamagang kulani at pananakit ng lalamunan bago maospital.
Matatandaang umabot na sa apat ang kaso ng monkeypox sa Pilipinas, ang ikaapat sa kanila ay sinasabing walang travel history sa mga bansang nakakitaan ng nakamamatay na sakit. Ang ilan sa mga naunang monkeypox case ng Pilipinas ay gumaling na.
Hindi ito tulad ng COVID-19 na kumakalat sa hangin. Dagdag pa nila, kadalasa’y “mild” ang sintomas ng monkeypox at bibihirang makamatay — pero nangyayari pa rin. (Daris Jose)
-
SHARON, aminadong na-shock sa pinagsasabi at pinaggagawa sa ‘Revirginized’; mas hahangaan ayon kay Direk DARRYL
NAGBABALA si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang FB at IG post sa paglabas ng official trailer ng Revirginized noong Linggo nang gabi, July 4, na ‘wag itong panoorin ng mga bata dahil talaga namang nakaka-shock ang mga ginawa niya sa pagbabalik-Viva Films. Panimula ni ni Mega, “(Important: BAWAL PO MANOOD ANG MGA BATA!) […]
-
‘Di ikinasama ng loob ang sinabi ng direktor: EUGENE, never na-consider na magpa-noselift
HINDI inakala ng Sparkle artist na si Kim Perez na magte-trending siya noong magkaroon na ng love triangle sa GMA primetime teleserye na ‘Hearts On Ice’. Ginagampanan ni Kim ang role na Bogs, ang best friend ni Enzo (played by Xian Lim) na naging secret admirer ni Ponggay (played by Ashley Ortega). […]
-
Bulacan Expands Cervical Cancer Vaccination to Immunize 21,000 Young Females
120 female learners ages 9 to 14 from public schools in Plaridel, Pulilan, and Bulakan successfully received the HPV vaccine as part of the local government’s efforts to guard the youth against cervical cancer. Another significant development during the day was the official launch of the community-based availability of the HPV vaccine, […]