• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Alab sa ABL: 10th season ng liga, isuspinde na

HINILING ni Alab Pilipinas team owner Charlie Dy sa pamunuan ng ASEAN Basketball League na suspindihin ang ongoing 10th season ng liga kasunod mg naging deklarasyon ng World Health Organization (WHO) na isa ng pandemic ang novel coronavirus (COVID-19).

 

Bukod sa Alab, humiling na rin ang mga koponan ng Hong Kong Eastern, Macau Black Bears at Formosa Dreamers na umaksiyon na ang liga hinggil sa lumalaganap na krisis.

 

“Since the ABL is a regional league and travel will be difficult and risky, we deem it appropriate to request the ABL to follow the NBA and other sporting leagues in suspending our season,” pahayag ni Dy.

 

Sa kasalukuyang standings ay pumapangalawa ang Alab, taglay ang 10-6 na marka kung saan huli silang naglaro noong Pebrero 23.

 

Nasa ika-6 na puwesto naman ang Macau na may patas na markang 7-7 at huli silang naglaro noong Enero 29.
Pumapang-apat naman ang Formosa na may 8-6 na kartada at huli silang naglaro noong Pebrero 2 habang pang-siyam naman ang Hong Kong(3-7) na huli ring naglaro noong Pebrero 2.

 

Ang mga sumunod nilang mga laro ay na postponed na dahil sa COVID-19.

 

Kamakailan lamang ay ipina-quarantine si Singapore import Jameel McKay matapos mapag-alaman na sumakay ito ng eroplano na may lulang pasahero na nagpositibo sa virus.

 

Umaasa si Dy na pakikinggan sila ng ABL sa kanilang hiling para sa kapakanan na rin ng mga players at ng mga fans.
“Alab Pilipinas believes that our fans and supporters will understand this move as it is for the best interest of everyone to take precaution,” ayon pa kay Dy. “Many experts have shared that social distancing is the best way to mitigate the spread of COVID-19 and we wish to take part of this solution.”

Other News
  • IBA-IBANG PASILIDAD PINASINAYAAN SA NAVOTAS

    PINASINAYAAN ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang iba’t-ibang pasilidad kasabay ng selebrasyon ng ika-14th cityhood anniversary nito.     Pinangunahan ni Cong. John Rey Tiangco, Regional Director of the World Scout Bureau Asia Pacific Region Jose Rizal Pangilinan, Director of Bureau of Plant Industry George Culaste, at Good Greens President Simon Villalon, ang blessing at inauguration […]

  • Gyms, fitness centers at iba pa pinayagan nang magbukas ng IATF

    Simula sa Sabado ay inaasahang magsisibalikan na ang mga fitness buffs sa mga gyms at fitness centers.   Ito ay matapos ihayag kahapon ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez ang pagpayag ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF) na muling buksan ang mga gyms at fitness centers sa gitna […]

  • PBBM, ipinag-utos ang imbestigasyon sa hoarding, smuggling at price fixing ng sibuyas

    IPINAG- UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang masusing imbestigasyon ukol sa  smuggling ng sibuyas at iba pang agricultural products.     Tinawag ito ng Pangulo bilang “an act as being tantamount to economic sabotage.”     Sinabi ng Pangulo na “I have just given instructions to the DOJ and the NBI to initiate […]