• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Alapag pinasalamatan ang Kings organization

Pinasalamatan ni dating PBA player at Gilas Pilipinas team captain Jimmy Alapag ang Sacramento Kings organization matapos angkinin ang korona ng katatapos na NBA Summer League sa Las Vegas, Nevada.

 

 

“What an amazing experience here in Vegas for the NBA Summer League!!” wika ni Alapag kahapon sa kanyang Instagram account.

 

 

Ito ang ikalawang pagkakataon na napasama ang 43-anyos na playmaker sa coaching staff ni Kings’ coach Bobby Jackson sa nasabing pre-season tournament matapos noong 2019.

 

 

“Thankful to have been part of such a special group of people, from the coaching staff, trainers, and support staff, to the players,” ani Alapag. “Watching the team come together over the past few weeks was amazing to watch.”

 

 

Kinumpleto ng Kings ang 5-0 sweep sa NBA Summer League kasama ang 100-67 pagbugbog sa karibal na Boston Celtics sa kanilang championship game.

 

 

Umaasa si Alapag na makakasama sa c­oaching staff ni head coach Luke Walton sa pagsabak ng Kings sa NBA regular-season na magsisimula sa Oktubre 19.

Other News
  • CHRISTIAN, mukhang mangangabog na naman sa awards nights ng ‘2021 MMFF’

    MUKHANG mangangabog si Christian Bables sa awards night ng 2021 Metro Manila Film Festival.     Maganda ang role ni Christian sa Big Night where he plays a beautician na gagawin ang lahat matanggal lang ang pangalan niya sa watchlist ng mga suspected drug addicts.     “Kahit na comedy ang pelikula ay seryosong topic […]

  • Sec.Roque, ibinala ni Pangulong Duterte sa ‘debate’ laban kay Carpio

    SA HALIP na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kumasa sa debate na tinanggap ni dating Supreme Court Justice Antonio Carpio ay si Presidential Spokeperson Harry Roque ang makakaharap nito.   Sinabi ni Sec. Roque na itinalaga siya ni Pangulong Duterte na siyang makipag-debate kay Carpio.   ” Pero tuloy po ang debate. eh, ang […]

  • Buwanang fuel subsidy sa mga mangingisda

    ISINUSULONG  sa Kamara ang pagbibigay ng fuel subsidy sa mga municipal fisherfolk sa pamamagitan ng fuel voucher na hindi bababa sa P1,000 kada buwan.     Sa ilalim ng House Bill 8007 o “Pantawid Pambangka Act of 2023”, ang Department of Agriculture ay may mandating mangasiwa ng buwanang subsidy program.     Sa kabila na […]