• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ALDEN, pinapaghintay ni ANDREA dahil gustong makatambal sa pelikula

NOONG December 20, ang flight ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards for the US para sa Christmas vacation na dalawang taon ding hindi niya nagawa. 

 

 

Sayang lamang at hindi na nakakuha ng visa ang ibang members ng family niyang lagi niyang kasama sa mga previous trip nila abroad.  Makakasama niya ang pinsang si April at mabibisita nila ang Kuya RD niya at ang sister ni Daddy Bae sa San Francisco.

 

 

Bago umalis si Alden ay nakapag-guest siya nang live sa Eat Bulaga last Saturday at nakapag-taping pa sila ni Maine Mendoza para sa kumu special edition ng segment nilang Bida First.

 

 

Last Sunday, December 19 nag-taping naman si Alden ng GMA New Year’s Countdown for December 31.

 

 

Lumabas na rin ang TV commercial nila ni Andrea Brillantes para sa Sting Energy Drink last Saturday na nagpapakita silang dancing a couple of viral dance trends sa TikTok account ng young actress, she shared a video of herself with Kuya Alden habang sumasayaw sa tune ng Earth, Wind & Fire’s classic na “Let’s Groove.”     May message pa si Andrea na, “Kuya Alden, wait mo ko for three years, hindi pala, five years, gagawa tayo ng isang project na magkatambal tayo.”

 

 

Mapapanood si Alden sa serye nilang The World Between Us na nasa three last weeks na, every night sa GMA-7.

 

 

***

 

 

NAGTAPOS nooong Linggo, December 19, ang grand finals ng GMA television reality singing competition na The Clash Season 4.

 

 

Kaya any day now ay aalis na ang isa sa panel judges na si Asia’s Nightingale Lani Misalucha, pabalik sa Las Vegas, Nevada, para doon na muna muling manatili kasama ang kanyang mga anak at apo.

 

 

Sa isang interview ng 24 Oras kay Lani, sinabi ni Lani na almost two years na siyang narito, dahil sa simula pa lamang ng The Clash, isa na siya sa mga judges, kasama ni Comedy Queen Ai Ai delas Alas at Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista.

 

 

Kung matatandaan, last year, hindi natapos ni Lani ang The Clash Season Three, dahil nagkaroon siya ng bacterial meningitis, na nawalan pansamantala ng pandinig ang right ear niya, kaya pinalitan muna siya ni Concert Queen Pops Fernandez.

 

 

      “I am praying na makaabot ako sa bahay namin sa Amerika bago mag-Pasko,” wika ni Lani.

 

 

“Sana walang maging aberya sa pagta-travel namin.  I cannot await to see my daughters, especially ang mga apo ko, iyong pinakabata sa kanila, 10 days old pa lamang ipinanganak nang umalis ako pabalik ng Pilipinas.”

 

 

May mga shows na raw siyang gagawin sa Amerika, pero mami-miss niya ang mga hosts na nakasama niya sa show na sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Ken Chan at Rita Daniela.

 

 

“Napamahal na sila sa akin, they are really, really nice people.  Mababait, masarasp katrabaho, wala silang yabang sa katawan.”

 

 

Bon voyage, Lani!

 

 

***

 

 

PERSONAL na naranasan ni Kapuso actor Tom Rodriguez ang galit ng bagyong Odette habang nasa Cebu siya last Friday.

 

 

Tom shared in his video sa Instagram habang pansamantalang pinalikas ang mga tao kasama niya sa isang hotel dahil sa lakas ng hangin at ulan.

 

 

Hindi binanggit ni Tom kung bakit nasa Cebu siya, pero ayon sa kanya may reception daw ng kasal na ginaganap doon.

 

 

“May kasal dito pero pinaakyat na lahat for everyone’s safety. Pinapunta na lahat sa ballroom.”

 

 

Para sa safety ng mga tao, nilagyan  daw ng wooden bar ang main entrance ng hotel bilang harang dahil sa sobrang lakas ng ulan at hangin, ngunit kalaunan ay nabali rin ito sa lakas ng hampas ng hangin.

 

 

“Bumukas… muntik mabasag, nabali yung harang na kahoy.”

 

 

Nahirapan din daw si Tom na maka-reply sa mga tumatawag sa kanya pati ang wife na si Carla Abellana dahil down ang mga phones and pero ipinaalam lamang na he’s okey at ligtas naman siya.

 

 

“I am in awe with the Cebuano’s spirit na nagkaisa lahat sa hotel to make sure the doors don’t give in para mag-flood sa loob at mag-cause ng panic. 

 

 

We’re grateful sa mga kababayan natin dito na tumugon sa mga panganagailangan ng mga guests.”

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Esperon, malamig sa panukalang batas ni Drilon na magbibigay depinisyon sa red-tagging

    MALAMIG si National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. sa isang panukalang batas na inihain ni Senate Minority Leader Franklin Drilon  na magbibigay depinisyon o pakahulugan sa ‘red-tagging’ at magtatakda dito bilang isang criminal activity.   Ani Esperon, kailangan muna niyang makita ang kopya ng Senate Bill No. 2121 o “Act Defining and Penalizing Red-Tagging” , […]

  • Seniors, edad 21 pababa puwedeng magparehistro – Comelec

    Nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) na maaari namang magtungo sa kanilang mga tanggapan at magparehistro ang mga senior citizen at mga nasa edad 21-anyos pababa makaraang makapagtala ng mababang bilang ng nagpaparehistro ang ahensya nang buksan ito nitong Setyembre 1.   Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na hindi naman umano ganap na ipinagbabawal […]

  • Ginebra coach Tim Cone kinuhang assistant coach ng Heat sa NBA Summer League

    ITINUTURING ni Barangay Ginebra head coach Tim Cone bilang isang hamon ang pagkakapili sa kaniya bilang coaching staff ng Miami Heat sa NBA Summer League.     Sinabi ng beteranong coach na inimbitahan siya ng Heat sa summer league game na magsisimula sa Hulyo sa San Francisco at Las Vegas.     Magiging bahagi ito […]