• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Alert Level 3 para sa NCR may ‘good chance’, – Sec. Roque

HABANG patuloy na bumababa ang kaso ng Covid -19, sinabi ng Malakanyang na may “good chance” ang National Capital Region (NCR) na i-downgrade o ibaba sa Alert Level 3, stage ang bagong coronavirus (COVID-19) response system na ikinasa sa rehiyon.

 

Layon nito na payagan ang mas maraming negosyo at aktibidad para magbalik operasyon.

 

Ang pahayag na ito Presidential Spokesman Harry Roque ay kasunod ng ulat na ang reproduction rate ng virus sa Kalakhang Maynila ay bumaba sa 0.6 percent, habang ang positivity rate naman ay 13%.

 

Ani Sec. Roque, sa kamakailan lamang na pigura, ang NCR ay kuwalipikado para i- downgrade o ibaba ang Alert Level nito.

 

Kasalukuyang, nasa ilalim ng Alert Level 4 ang NCR hanggang Oktubre 15.

 

“For the first time po in many many months, ang Metro Manila po ay nasa moderate risk and that is also a factor to consider in lowering quarantine classification,” anito.

 

“I would say it’s a high chance of a lowering of alert level,” dagdag na pahayag nito.

 

Aniya, ang pag-downgrade sa alert level sa Kalakhang Maynila ay mahalaga para mas maraming tao ang makabalik sa kanilang trabaho.

 

Gayunman, sinabi ni Sec. Roque na depende pa rin ito sa desisyon ng Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases.

 

“Meron pong datos na nagpapakita that we can lower quarantine classification. Pero kasi nga po, ang eksperimento natin sa Metro Manila is a pilot, kinakailangan pag-aralan muna ang resulta ng pilot ,” anito.

 

“I would say po that the data supports a reduction of the alert level but that’s ultimately the decision of the IATF. Abangan na lang po natin,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Sa ilalim ng Alert Level 3, ang paggalaw, kabilang na ang intrazonal at interzonal travel, ang mga tao ay pinapayagan maliban na lamang para sa “reasonable restrictions” base sa edad at comorbidities ng dinetermina ng local government units (LGUs).

 

Ang mga Individual outdoor exercises ay papayagan sa lahat ng edad kahit pa ito’y may comorbidities o anuman ang vaccination status.

 

Mas maraming establisimyento at aktibidad naman ang papayagan na mag- operate na may maximum na 30% capacity. (Daris Jose)

Other News
  • Venus Williams wagi sa unang round ng Wimbledon

    Naitala ni US tennis star Venus Williams ang kaniyang ika-90 Grand Slam appearance ng magwagi ito sa unang round ng Wimbledon.     Tinalo kasi ng 41-anyos na si Williams ang pambato ng Romania na si Mihaela Buzarnescu sa score na 7-5 at 4-6.     Unang naglaro ang 41-anyos na si Williams sa Wimbledon […]

  • DSWD, nagbukas ng e-payment bilang alternative mode para tumanggap ng cash donation

    TUMATANGGAP na ngayon ang  Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng payments at donasyon sa pamamagitan ng  LANDBANK Link.BizPortal, isang  e-payment facility na pinapayagan ang mga kliyente at partners ng DSWD na makapag- transact ng  business at/o bayaran ang kanilang  monetary obligations via online mode.     Sinabi ni DSWD Secretary Erwin T. Tulfo […]

  • ‘Sa amin na ang momentum sa Game 3’ – Lakers

    Lalo raw lumakas ngayon ang loob ng Los Angeles Lakers sa kanilang kampanya sa first round ng NBA playoffs matapos na maitabla na ang serye laban sa Phoenix Suns sa iskor na 109-102.     Ayon kay NBA superstar LeBron James, tiyak na mababaliktad na umano ang momentum lalo na sa susunod na Game 3 […]