Alert level system ipinairal na nationwide
- Published on November 23, 2021
- by @peoplesbalita
Simula kahapon Lunes, Nobyembre 22, ay ipinairal na sa buong bansa ang COVID-19 alert level system na unang ipinatupad sa National Capital Region (NCR).
“Simula sa Lunes, buong bansa naka-alert level system,” ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III.
Nauna rito, inaprubahan ni Pang. Duterte ang nationwide implementation ng alert level system sa pagtukoy sa mga restriksiyon dahil sa banta ng COVID-19.
Sa ilalim ng Executive Order 151, ang bagong Alert Level System ay umiiral na ngayon sa NCR, Regions 3, 4A, 6, 7, 10 at 11 at unti-unting ipatutupad sa Regions 2, 8 at 12 para sa Phase 2; Regions 2, 5 at 9 para sa Phase 3; at Cordillera Administrative Region (CAR), Regions 4B at 13, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para sa Phase 4.
Sinabi pa ni Densing na ang community quarantine COVID-19 response ay aalisin na sa Disyembre at papalitan ng granular lockdowns at iba pang alert level system, na higit na mas epektibo.
Sa ngayon ang NCR pa lamang ang rehiyon sa bansa na kuwalipikadong maibaba sa Alert Level 1 sa susunod na buwan.
Paliwanag niya, naging posible ito dahil nakamit na ng Metro Manila ang minimum requirement na mabakunahan ang 70% ng mga elderly at persons with comorbidity population, gayundin ang mismong 70% ng adult population. (Daris Jose)
-
LGBTQI, PROTEKTADO SA MAYNILA
PROTEKTADO na ang kanilang karapatan sa Lungsod ng Maynila ang mga lesbians, gays, bisexu-als, transgender, queers and intersex (LGBTQI). Ito ay makaraan lagdaan kahapon ni Manila Mayor Fracisco “Isko Moreno”Domagoso, ang isang ordinansa na layuning pagkalooban ng proteksiyon ang lahat ng karapatan sa anumang porma ng diskriminasyon sa sexual orientation, gender identity, expression (SOGIE) […]
-
Nasa Los Angeles nang maganap dahil sa ‘BET Awards’: MARIAH CAREY, nanakawan na naman at sa bahay niya sa Atlanta, Georgia
NILOOBAN ng mga magnanakaw ang bahay ni Mariah Carey sa Atlanta, Georgia. Ayon sa ginawang imbestigasyon, tatlong lalake ang inaresto na may koneksyon sa pagnanakaw sa bahay ni Mariah. May force entry na ginawa sa back door ng bahay ng singer. Heto ang official statement ng Sandy Springs Police Department: “The Miami-Dade Police […]
-
Na-diagnose na apat na ang autoimmune disease: KRIS, parang gusto nang sumuko pero lumalaban para kina JOSH at BIMBY
NAKALULUNGKOT naman na lumala pa ang matagal nang nilalabanang karamdaman ni Queen of All Media Kris Aquino. Ayon kasi sa naging pahayag ng kapatid niyang si Maria Elena “Ballsy” Aquino, apat na ang autoimmune disease ng TV host-actress, “When she left, she had two autoimmune diseases. I think now there are four.” […]