• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ALESSANDRA, nagwagi na rin ng Best Actress sa ‘Gawad Urian’ after ng ilang beses na na-nominate

CONGRATULATIONS sa lahat ng winners ng Gawad Urian.

 

 

Top acting winners sina Alessandra de Rossi (Best Actress) for Watch List (na finally ay nagwagi na rin after na ilang beses na siyang na-nominate na naturang category), Nanding Josef (Best Actor) for Lahi, Hayop, Hazel Orencio for Lahi, Hayop and Dexter Doria for Memories of Forgetting (tie for Best Suppporting Actress) at Micko Laurente (Best Suppporting Actor) for Watch List.

 

 

We would like to give special mention sa panalo ni Direk Jay Altarejos sa kategoryang Best Editing para sa pelikula niyang Memories of Forgetting.

 

 

Few years back ay nagwagi rin si Direk Jay ng award sa Cinemalaya for his movie Kasal.

 

 

Memories of Forgetting also garnered Urian nominations for Best Director, Best Production Design, Best Screenplay, Best Cinematography, at Best Actor para kay Noel Escondo (na isa rin director).

 

 

Nagsimula nang ipalabas ang Memories of Forgetting sa KTX.ph hanggang October 24.

 

 

***

 

 

FUN movie kung idescribe ni Kim Molina ang latest film niya na sa Viva Films ang Sa Haba Ng Gabi.

 

 

Masaya raw ang movie pero during the shoot ay iba ang experience dahil bumabagyo ng 6 days tapos nagka-earthquake.

 

 

So, kahit na may ganoon challenge during the shoot ay nag-enjoy pa rin sila sa trabaho.

 

 

Kahit na horror film ay masaya naman ito at tiyak daw na magugustuhsn ng movie.

 

 

Kasama rin sa movie na streaming na sa Vivamax sa October 29 sina Jerald Napoles at Candy Pangilinan.

 

 

***

 

 

MAY second single na si Christi Fider, winner ng PMPC’s Star Awards for Music Most Promising Female Artist, titled ‘Heto na Naman’ and distributed by Ivory Records.

 

 

Isa itong ballad written by award-winning composer and Pinoy hitmmaker Joven Tan.

 

 

Sabi ni Christi, very unexpected ang panalo niya sa Star Awards forMusic.

 

 

“I don’t have any idea about it at first. I’m super grateful for the award. Thankful din for PMPC for the award kasi binibigyan nila ng chance yung mga new talents/artists like me.”

 

 

Hugot song with spoken words kung paano ilarawan ni Joven Tan ang bagong composition niya for Christi.

 

 

Gusto raw niya ipakita kung gaano kalalim at kalawak ang emotional range ni Christi. Thru Heto Na Naman ay makikita ang different side ng newbie singer.

 

 

Ayon naman kay Christi, ibang-iba sa personality niya ang second single niya. Since willing naman siya sumubok ng iba’t-ibang music genres, na-excite siya to record ‘Heto na Naman’.

 

 

Kahit na hindi pa siya nagkaboyfriend, nakaka-relate naman siya sa mensahe ng kanta.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Pagpapa-sexy, ‘di big deal sa asawang si Norman: BEAUTY, happy na sa anak na si OLIVIA at sa aso nilang si Pepito

    MARAMING napahanga at napanganga sa sexy photos ng talented Kapuso actress na si Beauty Gonzalez na kung saan naka-two-piece siya.     At bilang isang wellness enthusiast, mahalaga para kay Beauty na alagaan ang kanyang sarili upang magkaroon siya ng balanseng buhay bilang isang aktres, asawa, at ina kaya naman bagay na bagay ang karapat-dapat […]

  • Mga atleta maaring mabakunahan sa Mayo, Hunyo – CDM Fernandez

    TINATAYA ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon Fernandez, na posibleng maineksiyunan na sa Mayo-Hunyo ang mga national athlete para makabalik na sa normal o regular training.   Naging reaksiyon ito ng 67-anyos, may taas na 6-4 at tubong Maasin City pagkatalaga sa kanya nitong Martes, Hunyo 12 ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham […]

  • Sen. Hontiveros: Masterminds sa likod ng ‘pastillas’ scheme, nakapagbulsa ng halos P40-B

    AABOT umano ng halos P40 billion ang naibulsa ng mga taong nasa likod ng kontrobersiyal na “pastillas” scheme sa Bureau of Immigration (BI) at pag-abuso sa Visa Upon Arrival (VUA) system simula noong 2017.   Ayon kay Sen. Risa Hontiveros, tinatayang limpak limpak na salapi ang nakurakot ng mga opisyal ng BI base sa arrival […]