• May 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Alex, na-bash nang husto dahil sa ginawang ‘tiktok pandesal’; nag-react sina Mikee at Toni

ANG daming nambabash kay Alex Gonzaga dahil sa tiktok pandesal niya.

 

Nandiyang comment ng mga netizens, “very consistent, baduy, annoying.”

 

“Hindi nga talaga maganda… 🙁 ako nahiya sa BF nya”

 

“Marami talaga siyang panget or off na ginagawa at sinasabi. Sana matuto si Alex na makinig sa feedback.”

 

Dagdag pa na mismong fiancee niya, hindi nagustuhan ang ginawa niyang Tiktok.

 

Sabi ni Mikee Morada na pinost din naman ni Alex sa kanyang IG stories. “Ano na naman yan bi. Pangit nung ginawa mo.”

 

Pero dinepensa pa rin ni Alex ang sarili na, “It’s funny. Bread of life pupu.”

 

Maging ang kapatid na si Toni Gonzaga ay hindi nagustuhan ang ginawang ito ni Alex na nagsasayaw ng kanta ni Arianna Grande, then, biglang may dinukot sa dibdib. Yun pala, may dalawang pandesal sa kanyang boobs.

 

Sa isang banda, kung maraming hindi nagkagusto at nairita kay Alex, marami rin naman kaming nababasa na tawang-tawa rito at ilan sa mga ito ay mga kapwa pa nga niya artista.

 

Ito yung obviously, sakay na sakay ang humor ni Alex.

 

***

 

MAGANDA sana kung nag-swimsuit pictorial na magkaama sina Megastar Sharon Cuneta at KC Concepcion.

 

Mukhang all’s well na talaga sa pagitan ng mag-ina. Bukod sa nagkasama silang buong pamilya noong Christmas eve, tila nakumpleto na ang kaligayahan ni Sharon noong kanyang birthday sa presence ng kanyang panganay na anak.

 

Nasa isang island si Sharon before pa her actual birthday. Habang si KC naman, nag-spend ng kanyang New Year sa Palawan.

 

Pero nakahabol si KC sa kaarawan ng ina at sinurpresa ito.

 

Sa post ni Sharon, “KC flew back to Manila from Palawan with our dear friend Tim Yap today to take another flight to the island where I and the rest of the family are! She brought me our favorite Strawberry Shortcake and Tim brought me beautiful flowers! What a sweet surprise!”

 

Nag-reply naman si KC sa post ni Sharon at sabi niya, “Surpriiiise, love you with all my (heart emojis) mama.”

 

Halos lahat naman ng followers ni Sharon ay masayang-masaya sa nakikitang magandang relasyon na ng mag-ina ngayon. Nakonek din nila na ang surprise raw na yun siguro ang binabanggit ni KC sa kanyang IG story na gagawin niya. (ROSE GARCIA)

Other News
  • Pacquiao dapat labanan si McGregor- Del Rosario

    ANG  pagsagupa ni retired world eight-division champion Manny Pacquiao kay Ultimate Figh­ting Championship (UFC) star Conor McGregor ang dapat maitakda.     Ito ang paniniwala ng retiradong taekwondo li­ving legend na si Monsour del Rosario sa hinihintay ng mga fans na exhibition match nina Pacquiao at McGregor.     “It’s still the fight that people […]

  • Gilas Pilipinas mamanduhan ni Uichico

    Pinangalanan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) si veteran mentor Jong Uichico upang maging head coach ng Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Cup Qualifiers na lalarga sa Nobyembre 27 hanggang 30 sa Manama, Bahrain.   Inihayag kahapon ni SBP president Al Panlilio ang anunsiyo kung saan makakasama ni Uichico sa c­oaching staff sina assistant […]

  • NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng tulong pinansyal sa 3,832 rehistradong mangingisda mga driver ng tricycle de padyak at de motor

    NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng tulong pinansyal sa 3,832 rehistradong mangingisda at mga driver ng tricycle de padyak at de motor kung saan nakakuha ang mga ito ng P3,000 cash subsidy mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development sa pakikipagtulungan ni Mayor John […]