• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Alice Guo, nasa Indonesia na!

KINUMPIRMA ng Bureau of Immigration (BI) na nasa Indonesia na si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

 

 

 

 

 

Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, bumiyahe si Guo mula sa Pilipinas patungong Malaysia noong Hulyo 16, at dumating sa Indonesia mula sa Singapore noong Agosto 18.

 

 

“Sa atin pong pagbantay sa mga counterpart intelligence information, nalaman natin nasa Indonesia ngayon. Tumawid siya from Singapore the other day, August 18,” ani Sandoval.

 

 

Aniya pa, nagsasagawa ngayon ng back­tracking ang BI sa mga galaw ni Guo upang matukoy kung sinu-sino ang mga taong tumulong sa kanya upang makalabas ng bansa.

 

 

Hindi rin aniya nila ina­alis ang posibilidad na may ilang opisyal ng BI na nasa likod nito.

 

 

Dagdag pa niya, maaaring maipa-deport pabalik ng Pilipinas si Guo, kung kakanselahin ang kanyang mga dokumento.

 

 

Sinabi naman ni BI Commissioner Normal Tansingco na base sa kanilang natanggap na impormasyon, hindi dumaan si Guo sa immigration nang lumabas ng Pilipinas.

 

 

Kasabay nito, Iniutos na ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong Martes, Agosto 20 ang kanselasyon ng Philippine passport ni Guo.

 

 

Ang memorandum ay inilabas ni Bersamin sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Justice.

 

 

Ayon kay Bersamin, dapat magsagawa ng “appropriate action” para sa pagkansela ng mga pasaporte ni Guo at ng kanyang mga kamag-anak na sina Wesley Guo, Sheila Leal Guo, at Cassandra Li Ong, ang awtorisadong kinatawan ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na ni-raid sa Porac, Pampanga.

 

 

 

Sinabi rin ni Bersamin na si Guo ay may arrest order sa Senado dahil sa ­ilang beses na pag-isnab sa pagdinig tungkol sa POGO.

 

 

“The DFA Secretary may cancel a passport in the interest of national security. Under the same law, one of the grounds for the cancellation of a Philippine passport is when the court issues an order for its cancellation as the holder is a fugitive from justice,” ani Bersamin.

 

 

Matatandaang sa privilege speech ni Sen. Risa Hontiveros sa Senado nitong Lunes, ibinunyag niya na si Guo ay umalis ng bansa patungong Kuala Lumpur, Malaysia noong Hulyo 18 pa.

 

 

Una nang nabunyag na si Guo at ang Chinese citizen na si Guo Hua Ping ay iisa dahil magkapareho ang kanilang mga fingerprints. (Daris Jose)

Other News
  • Italya mapagkukunan ng mga basketbolista

    HINDI na lang pala Estados Unidos ang maaring maging balon ng talento ng Philippine basketball sa hinaharap na panahon.   Ilista na rin ang Italya.   May ilang Filipino-Italian ang masisilayan sa 83rd University Athletic Association of the Philippines (UAAP) 2021.   Ilan sa kanila ay sina Gabriel Gomez, Roger delos Reyes at Andrei Abellera […]

  • Validity ng student permits, driver’s license pinalawig hanggang March 31

    Pinalawig ng Land Transportation Office (LTO) ang validity ng student permits at ng licenses ng drivers at conductors kasama ang motor vehicle registration hanggang March 31.   Ang extension ay valid para sa mga taong may edad na 17 hanggang 20 years old kasama rin ang mga taong may edad na 60 at pataas.   […]

  • Smart tv, wall fan, ceiling fan, ipinamahagi sa mga paaralan sa Navotas

    NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco ang 40 smart TV, 287 wall fan, at 287 ceiling fan sa mga pampublikong paaralan na elementarya at high school.     Kabilang sa mga elementarya na nakatanggap ng 55-inch smart TV at electric fan ay ang North Bay Boulevard North Elementary School, […]