Allysa Valdez bumandera sa national team na sasabak sa SEA Games
- Published on February 2, 2022
- by @peoplesbalita
BUMANDERA ang pangalan ni Alyssa Valdez sa volleyball player na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.
Ayon sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF), makakasama niya ang isa pang volleyball star na si Jia Morado, Jaja Santiago at Kalei Mau.
Sinabi ni PNVF president Ramon “Tats” Suzara na mayroong 20 mga pangalan sa mens’ at womens’ volleyball ang inilabas na nila na sasabak sa SEA Games bukod pa sa 16 sa beach volleyball.
Dagdag pa nito na inirekomenda ng mga coaching staff ang pagdagdag ng mga manlalaro dahil may ilang collegiate players ang hindi available sa training period at sa torneo na magsisimula sa Mayo 12 hanggang 23.
-
Petisyon vs PUV modernization, ibinasura ng SC
IBINASURA ng Korte Suprema ang isang petisyong humihiling na ipawalang-bisa ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) na isinusulong ng Department of Transportation (DOTr). Sa desisyon ng Supreme Court (SC) en banc, na iniakda ni Associate Justice Maria Filomena D. Singh, ibinasura nito ang petition for certiorari and prohibition na inihain ng mga […]
-
PBBM: Bantag, nagtayo ng sariling ‘kaharian’ sa Bilibid
NAGTATAG ng kanyang sariling ‘kaharian’ o teritoryo ang suspendidong hepe ng Bureau of Corrections na si Gerald Bantag sa loob ng New Bilibid Prison (NBP), ayon kay Pangulong Marcos ilang araw matapos ang pagsasampa ng mga kasong murder laban sa una at sa iba pang mga indibidwal dahil sa pagpatay sa broadcaster na si Percy […]
-
YUL SERVO, MANUNUNGKULAN BILANG MAYOR NG MAYNILA
PANSAMANTALANG manunungkulan bilang Alkalde ng Lungsod ng Maynila si Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto dahil sa pagdalo ni Mayor Honey Lacuna-Pangan sa C4 World Mayors Summit na gaganapin sa Buenos Aires, Argentina. Ayon kay Acting Mayor Yul Servo, ibinilin nito sa kanya ang pagpapanatili ng maayos, malinis at tapat nilang paghahatid […]