• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ALOK NA NURSES FOR VACCINE SWAP, HINDI NAKUNSULTA ANG DOH

HINDI  umano nakunsulta ang Department of Health (DOH) kaugnay sa alok ng Department of Labor and Employment (DOLE)  na  nurses-for-vaccine swap sa Germany at UK.

 

 

Ayon kay Health Usec Maria Rosario Vergeire, wala rin silang impormasyon tungkol sa nasabing usapin .

 

 

“Sa tingin ko ay magkakaroon ng pag-uusap diyan at dapat idulog sa IATF kung sakalaing may ganitong proposal o plano na kailangang gawin because of vaccines”, ayon pa kay Vergeire sa  virtual forum.

 

 

Dsagdag pa nito, nasa IATF din aniya ang desisyon hinggil dito.

 

 

Sa nasabing proposal ng DOLE,sinabi naman umano ng UK health ministry na walang plano ang UK  na  sumang-ayon  sa vaccine deal  sa PIlipinas kung saan mas marami pang nurses ang irerecruit at ipapadala kapalit ng bakuna. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Na-deglamorize sa first Cinemalaya starrer: MARIAN, ‘di maipaliwanag ang excitement sa karakter sa ‘Balota’

    IBINAHAGI ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa kanyang Instagram, ang unang sulyap mula sa kanyang first Cinemalaya movie na “Balota” na dinirek ni Kip Oebanda.       Sa kanyang caption, “Sobrang ‘di ko mapaliwanag ang excitement ko sa project na to! [sob, pray, hearts emoji] No filter – No makeup – No double!” […]

  • 2 milyong deal sa COVID-19 vaccine selyado na

    Nilagdaan na ng gobyerno ng Pilipinas  at ng Astrazeneca ng United Kingdom ang isang tripartite agreement para sa gagawing pagbili ng bakuna ng Covid-19.   Sinabi ni Vaccine Czar At NTF chief  implementer Carlito Galvez,  resulta ito ng naging magandang pakikipag-usap ng pamahalaan sa biopharmaceutical company na Astrazeneca.   Sa tripartite agreement, sigurado na ang […]

  • Shootout: 2 drug suspect utas, P68 milyong shabu nasamsam

    Patay ang dalawang pinaniniwalaang miyembro ng “Divinagracia drug syndicate”matapos manlaban sa mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) at National Capital Regional Drug Enforcement Unit sa Muntinlupa City, kamakalawa ng  gabi.     Kinilala nina PNP chief,  General Guillermo Eleazar  ang mga napaslang na sina Jordan Abrigo, alyas Jordan  at Jayvee De Guzman o […]