Aminadong may mga guy na nagpaparamdam: SANYA, gusto niya na faithful, maunawain at totoo ang pagmamahal
- Published on December 21, 2023
- by @peoplesbalita
NAGING game si Sanya Lopez na pag-usapan ang tungkol sa estado ng kanyang lovelife.
Inamin ng Kapuso leading lady na may pumoporma sa kanya ngayon.
“May mga guys naman na lumalapit sa atin. ‘Di ko kasi alam kung nanliligaw ba talaga. Ayokong pangunahan,” sagot ng Sparkle star.
Hindi binanggit ni Sanya kung sino ang nanliligaw sa kanya. Nag-share na lang siya kung ano ang ideal man na gusto niya.
Ayon kay Sanya ang gusto niya ‘yung “faithful at totoo ang pagmamahal” na binibigay sa kanya.
Mahalaga rin daw na irerespeto siya lalong lalo na sa kanyang pamilya at sa mga taong nagmamahal sa kanya.
Gusto rin ni Sanya na maunawain ang kanyang ideal partner tungkol sa trabaho niya bilang aktres, lalo’t sa pagpasok ng 2024 ay dalawang malalaking projects ang gagawin niya para sa GMA: ‘Pulang Araw’ at ‘Encantadia Chronicles: Sang’gre’.
***
IN-ENJOY ng husto ni Solenn Heussaff ng ang pagiging nanay bago siya bumalik sa trabaho sa 2024.
Si Solenn pa rin ang gaganap na Cassiopeia sa GMA telefantasya na Encantadia Chronicles: Sang’gre.
Hindi tumanggap ng anumang projects si Solenn pagkatapos niyang manganak sa second baby nila ni Nico Bolzico na si Maelys Lionel. Nag-turn one-year old ito noong December 13.
Sa France mag-celebrate ng Pasko ang Bolzico family at doon din nag-celebrate ng 1st birthday si Maelys.
“1 year old today time flies too fast! Te amoooo,” post pa ni Solenn sa Instagram.
Ito naman ang IG post ni Nico: “Happy 1 year to the one who completed the family! I am pretty sure she wouldnt have wanted any other way than spending it hugging her favorite person… Ate Tili! On a different note, it is exactly 1 year ago that Argentina made it to the WC [World Cup] Finals, it is actually related because after that game, Maëlys second name became officially Lionel (for real!)”
Mag-turn 3-years old naman ang panganay nilang di Thylane Katana or Tili on January 1, 2024.
***
SI Barbra Streisand ang ika-59th recipient ng SAG Life Achievement Award.
Ginagawad ang highest tribute na ito dahil sa career achievements and humanitarian accomplishments.
Tatanggapin ng 81-year-old music and film icon ang parangal sa 30th annual Screen Actors Guild Awards on February 24 sa Shrine Auditorium & Expo Hall in Los Angeles.
“This award is especially meaningful to me because it comes from my fellow actors, whom I so admire,” sey ni Streisand na kakalabas lang ng kanyang 992-page memoir, My Name is Barbra na nasa New York Times’ bestseller list.
Sa anim na dekadang career ni Barbra, nakatanggap ito ng 2 Oscars, 4 Emmys, 10 Grammys, 3 Peabodys, an honorary “Star of the Decade” Tony, an AFI Live Achievement Award, a Cecil B. DeMille Award, a Justice Ruth Bader Ginsburg Woman of Leadership Award and the Presidential Medal of Freedom.
Si Barbra rin ang only recording artist to achieve a No. 1 album in each of the past six decades.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Paglobo ng COVID-19 ikokonsidera sa quarantine status sa Abril
Nilinaw ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na nakasalalay sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 ang magiging quarantine status sa Abril. Sinabi ni Nograles na patuloy ang kanilang pagmomonitor sa mga nangyayari ngayon sa pagtaas ng bilang sa Pasay City at iba pang areas ng Metro Manila. Ang genome sequencing ang kailangan […]
-
TIPID TUBIG
NAGBABALA ang Maynilad at Manila Water sa kanilang customers na magkakaroon ng water interruption sa paparating na mga araw dahil sa pa-tuloy na pagbaba ng tubig sa Angat Dam sa Bulacan at maging sa La Mesa Dam sa Quezon City. Patuloy rin ang pagbaba ng level ng tubig sa Ipo Dam. Kaya ang payo ng […]
-
2 BATA NASAWI SA SUNOG SA CALOOCAN
Kaawa-awa ang sinapit ng dalawang bata na kapwa tatlong taong gulang matapos ma-trap nang sumiklab ang sunog sa dalawang palapag na bahay sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Dead-on-arrival sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong sunog sa katawan ang biktimang si Kendal Janda, babae habang hindi rin umabot ng buhay sa […]