Ancajas may mga adjustments na binago para sa rematch niya kay Martinez
- Published on August 18, 2022
- by @peoplesbalita
BINAGO ng kampo ni Jerwin Ancajas ang mga teknik na ipinapagana.
Sinabi ng kaniyang coach na si Joven Jimenez, ang mga adjustments na kanilang ipinatupad ay para hindi na maulit ang nangyaring pagkatalo ng Filipino boxer kay Fernando Martinez ng Argentina.
Ang nasabing mga adjustments ay para mabawi nito ang kaniyang IBF junior bantamweight title mula kay Martinez.
Ilan sa mga pagbabago ay ang pagkuha nila ng bagong nutritiounist sa katauhan ni Bianca Estrella at isa mula sa Philippine Sports Commission.
Nakaranas kasi ng pagka-drain si Ancajas matapos na habulin nito ang kaniyang timbang.
Ilan din sa nakikita nitong dahilan ay ang nasobrahan na nila ang training kaya aayusin na nila ang mga schedule ng kaniyang training.
Magugunitang nakatakdang magsagawa ng rematch si Ancajas kay Martinez sa darating na Oktubre 18.
Sa kasalukuyan ay nasa Cavite si Ancajas at doon sila nagsasagawa ng training kung saan magtutungo sila sa US ng tatlong linggo bago ang laban.
-
Ads April 5, 2023
-
Death penalty bills, sinimulan nang talakayin ng Kamara kasunod ng apela ni Duterte
Sinimulan nang talakayin ng House Committee on Justice ang nakabinbin na 12 panukala na naglalayong ibalik ang pagpapataw ng parusang kamatayan. Ito ay matapos na umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa dalawang kapulungan ng Kongreso sa ikalimang SONA nito na asikasuhin ang mga panukalang batas para sa reimposition ng death penalty para sa mga […]
-
Umabot sa P15 million ang natangay ng scammer: SOFIA, isa sa 100 Pinoy Swifties na nabudol sa “The Eras Tour”
HIGIT na 100 Pinoy Swifties ang nabudol sa pagbili ng tickets para sa “The Eras Tour” concert ni Taylor Swift na gagawin sa Singapore. Umabot sa P15 million ang natangay ng scammer sa mga Pinoy fans ni Taylor Swift. Kabilang na rito ay ang Sparkle Teen star na si Sofia Pablo. […]