ANDREA, ini-enjoy ang pagiging single at dedma na lang muna sa lovelife
- Published on March 3, 2021
- by @peoplesbalita
INI-ENJOY ni Kapuso actress Andrea Torres ang single life niya ngayon, kaya ayaw na niyang sumagot tungkol sa kanyang lovelife.
Sa ngayon, ang dream niya, makapag-travel mag-isa sa ibang bansa, at gusto niyang puntahan ang mga lugar sa Europe.
“Inspired ako ng novel-turned-movie na ‘Eat, Pray, Love,’ na ang bida ay nag-travel alone sa Italy, India at Bali,” kuwento ni Andrea.
“Iyong lead star, hinanap ang sarili matapo ang dinaanang hiwalayan sa karelasyon. Kaya dream ko nga ngayon, mag-biyaheng mag-isa at gusto kong puntahan ang Europe.
“Mahilig kasi akong mag-ikot-ikot, maglakad-lakad, mag-explore-explore.
“Kahit dito sa atin, mahilig akong maglakad-lakad sa streets, puntahan kung ano lang ang maisipan kong cafe o restaurants, kahit mag-isa lamang ako. Kapag nasa abroad naman ako, gusto ko ring nakikipag-usap sa strangers. I make friends with them.
“Kaya kapag natapos na itong pandemic na pinagdaraanan natin, balak kong mag-travel alone, magkakalapit lamang naman ang mga bansa sa Europe, madali lang puntahan, mati-train mo lamang itong lahat.”
Naikuwento pa ni Andrea, kahit sa lock-in taping nila ng upcoming Kapuso primetime series nilang Legal Wives, ini-enjoy niyang i-explore ang lugar na mag-isa.
“Minsan na nga akong naligaw sa pagbalik ko sa location namin. Meron kasing lake doon sa lugar na gusto kong puntahan, pero hindi ko nakita at naligaw na rin ako sa pagbalik,” natatawang patapos ni Andrea.
Very soon ay mapapanood na ang cultural drama series na Legal Wives sa GMA-7, kasama ni Andrea sina Dennis Trillo, Alice Dixson, Bianca Umali at iba pang cast, sa direksyon ni Zig Dulay.
***
AT five years old, mukhang gusto nang sundan ni Maria Letizia Dantes o si Zia nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang yapak ng mga magulang kapag nagkataon.
Ngayon pa lamang kasi ay nagpapakita na ng hilig si Zia sa trabaho ng parents niya.
Sa Instagram post ni Dingdong last Friday na ipinakikita niyang may hawak na clapper si Zia sa harap ni Marian, while may suot itong fluffy cat ears sa kanyang ulo.
“My clapper loader and 2nd AC (assistant cameraman) for today,” caption ni Dingdong.
Ngayong pandemic, hindi na umaalis ng bahay si Marian, at si Dingdong nasa bahay lamang kung walang mahalagang dapat gawin sa labas.
Kaya si Marian, bilang host ng OFW drama anthology na Tadhana, ng GMA Network, ay sa bahay na lamang niya sinu-shoot ang mga spiels niya ng show, habang si Dingdong ang nagdidirek sa kanya.
Nakikita ni Zia ang ginagawa ni Dingdong, kaya hayun, nagprisintang clapper girl ng ama.
***
MASAYANG dumalo ang pamosong TVJ ng Eat Bulaga, sina Senator Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon, sa 50th wedding anniversary celebration ng producer nilang si Mr. Antonio P. Tuviera at misis nitong si Mads Tuviera.
Kaya tuwang-tuwa ang tatlo nang for the first time, pagkalipas ng isang taon, dahil sa Covid-19 pandemic, ay muli silang nagkita-kita, sa isang mahalagang okasyon.
Si Senator Tito nakikita lamang nila kapag may Zoom meeting ito sa Senado, at sina Vic at Joey naman, kahit napapanood araw-araw sa kani-kanilang segment sa EB, work from home lamang sila kaya hindi rin sila nagkikita nang personal sa APT Studios. (NORA V. CALDERON)
-
Ads June 26, 2021
-
Motor vehicle inspection kailangan bago ang rehistro sa LTO
Muling nagbigay ng paalala ang Land Transportation Office (LTO) sa mga motorista na kailangan ang motor vehicle inspection bago ito marehistro. May option ang mga motorista kung gusto nilang tingnan ng isang awtorisadong private motor vehicle inspection center (PMVIC) o ng LTO ang kanilang mga sasakyan. Ayon sa LTO parehas na […]
-
P19B pondo ng NTF-ELCAC, hindi ginamit sa campaign propaganda-Badoy
IGINIT ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na hindi ginamit sa campaign propaganda ang P19-bilyong kabuuang budget nito. Binigyang diin ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary Lorraine Marie Badoy, isa ring tagapagsalita ng NTF-ELCAC na ginamit ang nasabing pondo sa pagpapa-unlad ng mahigit sa 800 barangays na “cleared […]