Ang laki ng pasasalamat sa ‘First Yaya’ at ‘First Lady’: SANYA, nagkaroon ng pambayad sa bahay at nakabili rin ng lupa
- Published on July 29, 2022
- by @peoplesbalita
STARTING tonight, July 29, muling panoorin ang modern fairytale nina President Glenn Acosta (Gabby Concepcion) and Nanny Melody Reyes (Sanya Lopez), ang top-rating romantic comedy series na “The First Nanny” sa Netflix Philippines, produced by GMA Entertainment Group.
Nagbahagi naman si Sanya nang ma-interview siya tungkol sa pagpapalabas ng “The First Nanny” sa Netflix Philippines, nagpasalamat siya sa dalawang seryeng ginawa niya dahil may ‘pinuntahan’ daw ang kinita niya roon.
“Nang gawin ko po ang “First Yaya,” may bahay na ako, pero hindi ko alam kung saan ako kukuha ng ipambabayad sa bahay. Kaya ang kinita ko po sa “First Yaya” ang naipambayad ko sa bahay at nang masundan ito ng “First Lady,” ang kinita ko naman po roon ay ipinambili ko ng lupa.
“Mahalaga po sa akin na makapagpundar ng gamit mula sa pinaghirapan ko, na lahat ng mga nagawa ko, mayroong mapupuntahan. Nai-inspire po kasi ako, nakakadagdag-inspirasyon na nakikita ko ang resulta ng mga pinaghirapan ko.”
Ngumiti lamang at hindi sumagot si Sanya nang tanungin kung totoong sa susunod niyang project sa GMA, hindi isang Kapuso ang magiging leading man niya.
(NORA V. CALDERON)
-
Pasasalamat ni Marcos Jr., hindi na makapaghintay
SINABI ni Presidential candidate at dating Senador Ferdinand Marcos Jr., Lunes ng gabi, Mayo 9, na hindi na makapaghintay ang kanyang pasasalamat sa taumbayan sa kabila ng batid niyang hindi pa kumpleto ang bilangan ng boto. Nagbigay ng kanyang pahayag si Marcos matapos na patuloy siyang manguna sa partial at unofficial tallies ng […]
-
BAGONG LAYA, BEBOT PINATAY
PATAY ang isang babaeng kalalaya pa lamang umano sa kulungan dahil sa kasong iligal na droga nang barilin ng hindi pa nakilalang salarin sa Port Area,Maynila kagabi. Kinilala ang biktima na si Janel Seguros ng 11st Railroad Port Area. Nabatid na naglalakad sa may Rail Road Street sakop ng Barangay 650 nang may bumuntot sa […]
-
Sa ika-anim na pagkakataon… SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE, MULING NAKUHA NG NAVOTAS
MULING nasungkit ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pinakaaasam na Seal of Good Local Governance mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ikatlong magkakasunod na taon. Personal na tinanggap ni Mayor John Rey Tiangco, kasama sina Vice Mayor Tito Sanchez at DILG Navotas City Director Jenifer Galorport, ang parangal […]