Angel, ipinagdiinang ‘di kasapi ng ano mang terrorist group ang kapatid
- Published on October 26, 2020
- by @peoplesbalita
MASAYA ang pamilya Colmenares sa pangunguna ni Angel Locsin dahil kaarawan ng kanilang bunsong kapatid na si Angelo pero nabahiran ito ng pagkabigla dahil may balitang lumabas na miyembro ng NPA at nakatalaga sa Quezon province ang isa niyang kapatid na si Ella Colmenares.
Idinamay kasi ang pangalan ni Ella ni Lt. Gen. Antonio Parlade nang pangaralan niya sina Liza Soberano at 2018 Miss Universe Catriona Gray, “The choice is yours Liza. And so with you Catriona. Don’t follow the path Ka Ella Colmenares (Locsin) took in the underground and NPA Quezon. I am sure Angel Locsin and Neri Colmenares will not tell you this.”
At para patunayang hindi totoo ang sinabi ng opisyal ay kaagad pinost ng aktres ang larawan nilang pamilya na magkakasama sa isang dinner na kasama rin ang mapapangasawa ni Angel na si Neil Arce.
Ang caption ng aktres, “Happy birthday sa bunso namin. With our controversial sister na nasa underground daw sa Quezon.”
Samantala, habang sinusulat namin ang balitang ito ay ni- repost nitong Biyernes ng umaga ni Angel ang post ng ate Ella niya tungkol sa red-tagging bilang pagtatanggol.
# N o T o R e d T a g g i n g #YesToRedLipstick
“To set the record straight, hindi po ako parte ng NPA or any terrorist group Neither my sister nor my kuya Neri is a part of the NPA or any terrorist group.
“We live in a country where our freedom to speak and express ourselves are enshrined and protected by the Constitution. May paniniwala ako, may paniniwala ka. At sa ilalim Ng Consitution, pareho tayong mayroon karapatan sa ating nga sariling paniniwala.
“Kung mag kaiba tayo, hindi ibig sabihin pwede mo na ako i- red tag. Hindi tayo magkakalaban dito. Hindi rin ako “red”. Magkaiba lang tayo ng paniniwala.
Nanawagan po ako sa kinauukulan, na itama po ang mali na ito. Tigilan na po ang red tagging. The statement made is utterly false and places ordinary citizens like us, those who they swore to protect, in danger.
“Nakakalungkot po isipin na dito napupunta ang malaking halaga na 19.3B, sa mga paratang na walang basehan at pananakot na red tagging. Sana ibigay na lang po sa ibang departamento ng AFP katulad ng medical reserve corps o pagtaas ng sweldo at pension ng mga sundalo natin. Malaking tulong rin po for purchasing vaccines or other covid response pro- grams. Many of our country men need financial assistance.
“Mga OFW na nawalan ng trabaho. Madaming mas nangangailangan ng pera ngayon. Sana doon na lang ilaan at sana doon ibuhos ang oras.
“I am also appealing to everyone to express support for those being red-tagged like Liza Soberano, Catriona Grey, and all the others just because they are expressing their beliefs peacefully
“By being vocal about my opinions and advocacies, I have always been attacked. Those I could ignore but this is a different level altogether. And so I have to speak up once again because this baseless and reckless red-tagging jeopardizes not only my safety, but also the safety of my sister and our family.” (REGGEE BONOAN)
-
BIKTIMA NG TRAFFICKING NAGPANGGAP NA MGA SEAFARERS, NA-RESCUE
NA-RESCUE ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark International Airport (CIA) sa Pampanga ang dalawang kababaihan na hinihinalang biktima ng trafficking na tinangkang pumuslit ng bansa at nagpanggap na mga seafarers. Ang dalawang ay papasakay ng Cebu Pacific patungong Hongkong , ayon sa report kay Immigration Commissioner Norman Tansingco ng […]
-
3 bansa, kinukunsidera bilang employment markets para sa OFWs- POLO
TATLONG bansa ang kinukunsidera bilang employment markets para sa Overseas Filipino Workers (OFWs), ayon sa ulat ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Lebanon. Sinabi ni Labor Attache Alejandro Padaen na tinitingnan nila ang bansang Turkey, isa rin sa ilalim ng hurisdiksyon ng POLO kasama na rin ang mga bansang Georgia, Azerbaijan, at […]
-
Lalaki pinagsasaksak ang 2 umaawat na kaibigan, 1 dedo
PINAGSASAKSAK ng lalaking wanted sa kanilang lalawigan sa Northern Samar ang dalawa niyang kaibigan na umawat lang sa kanyang pagwawala na nagresulta sa pagkamatay ng isa sa Valenzuela City. Nalagutan ng hininga habang ginagamot sa Valenzuela Medical Center ang biktimang si alyas “Balbas” 23, ng Donesa St., Balubaran, Barangay Mailnta […]