• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ANIM NA DISTRICT HOSPITAL NG MANILA LGU NASA “RED FLAG” NA

HALOS okupado na ang anim na pampublikong ospital sa lungsod ng Maynila .

 

Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na  baka hindi na nila ito kayanin  ngunit tiniyak naman ng alkalde na agad nilang gagawan ng paraan ang nasabing sitwasyon  upang mabigyan ng karampatang lunas ang mga pasyente ng COVID-19 na nangangailangang ma-admit o ma-confine.

 

Ang mga district hospital sa Maynila ay ang Gat Andres Memorial Medical Center, Ospital ng Tondo, Ospital ng Sampaloc, Ospital ng Maynila, Sta. Ana Hospital at Justice Jose Abad Santos Medical Center kugn saan nasa 75%  na ang occupancy rate.

 

Ayon kay Domagoso, mula sa kabuuang bilang na 523 COVID-19 beds ay nasa 382 na ang okupado nito.

 

Kaugnay nito, ipinahayag naman ni Domagoso na nasa 46% lamang ang occupancy rate sa mga quarantine facilities sa Maynila.

 

Sa 870 bed capacity ng mga quarantine facility ay nasa 399 lamang ang okupado kaya may sapat pang pwesto para sa mga kailangang maisailalim sa quarantine.

 

Tuluy-tuloy naman ang isinasagawang libreng RT-PCR swab testing ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa Quirino Grandstand sa pamamagitan ng drive-thru at walk-in naman sa Sta. Ana Hospital at sa Delpan Quarantine Facility.

 

 

Sa mga nais aniyang magpasuri ay makipag-ugnayan muna sa Manila Emergency Operation Center ng (MHD) para makapag-schedule ng appointment.

 

Maaaring kumontak sa mga numerong 09608229384, 09777297572, 09150656335, 09616281414, 09954966176, 09610627013, 09051393560, at 09051393563 upang makakuha ng inyong schedule ng swab test.

 

Batay sa pinakahuling datos ng MHD, nasa kabuuang 4,083 na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila kung saan nasa 46,395 naman ang mga gumaling na sa nasabing sakit habang pumalo na sa 1,018 ang nasawi dahil sa Covid. GENE ADSUARA

Other News
  • Mahigit 84% ng coastline na apektado ng oil spill sa Mindanao, nalinis na ng gobyerno

    UMABOT  na sa mahigit 84% ng coastline na apektado ng oil spill sa Mindoro ang nalinis ng gobyerno.     Iniulat ni Defense Senior Undersecretary Carlito Galvez Jr. kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Biyernes na   sa 74.71 kilometro ng apektadong coastline, 62.95 kilometro o  84.26% ang nalinis na “as of May 10, 2023.” […]

  • 250K Moderna vaccines parating sa Hunyo 27

    Inaasahang darating na sa bansa ang may 250,000 doses ng Mo­derna COVID-19 vaccines sa Hunyo 27.     Sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., na kabilang sa darating na bakuna ay ang binili ng mga pribadong sektor.     Bukod dito, dara­ting din sa Hunyo 24 ang karagdagang 1.5 milyong dose ng Sinovac at […]

  • 5 drug suspects nabingwit sa Navotas buy bust

    NALAMBAT ng pulisya ang apat na hinihinalang drug persobalities matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Navotas City.     Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Genere Sanchez ang buy bust operation kontra kina […]