Anthony Joshua pinabagsak ni Dubois sa Heavyweight match
- Published on September 24, 2024
- by @peoplesbalita
PINABAGSAK ni Daneil Dubois sa loob ng ikalimang round ang kapwa British boxer na si Anthony Joshua.
Dahil dito ay pinatunayan ni Dubois na hindi siya maituturing na accidental heavyweight boxer sa laban na ginanap sa Wembley Stadium.
Noong nakaraang tatlong buwan kasi ay nakuha nito ang IBF belt na binakante ni Oleksandr Usyk.
Tatlong beses na pinabagsak ng 27-anyos na si Dubois si Joshua na una, ikatlo at sa huli ay 59 segundo bago matapos ang ikalimang round.
Dahil sa pagbagsak ay nagpasya ang corner ni Joshua na magtapon na ng towel bilang senyales na sumusuko na sila.
Malaki na rin ang tsansa ni Dubois na sumali sa listahan ng mga boksingero na lalaban sa sinumang manalo sa pagitan nina WBA, WBC and WBO champion Usyk at Tyson Fury sa darating na Disyembre 21.
Inamin ni Joshua na marami siyang mga pagkakamali na nagawa bukod pa sa mas bata ang nakalaban.
Mayroon ng 22 panalo , dalawang talo na may 21 knockouts si Dubois habang si Joshua ay mayroong 28 panalo at apat na talo.
-
Bago sana manghuli ayusin muna ang sistema ng RFID!
NGAYON pa lang ay may matinding babala ang ilang opisyal na huhulihin daw ang walang RFID. Tuloy imbes na magdulot ng ginhawa sa paglalakbay ang RFID ay kalbaryo ang nararanasan ng mga motorista. Pagdating daw ng Disyembre 2, 2020, ay huhulihin na ng mga awtoridad ang walang RFID. Ang RFID sticker ay kailangan lang […]
-
7 INDIBIDWAL , HULI SA QUARRYING
ARESTADO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pitong indibidwal na iniulat na sangkot sa illegal quarrying operations sa Barangay San Isidro sa Angono, Rizal. Kinilala ng NBI ang mga naaresto na sina Bonbon E. Camanian, Marcial R. Bustamante, Jomar T. Marigondon, Ricky B. Buenaventura, Rustian S. Villamora, Richard S. Evangelista, at Rodel […]
-
Barko ng Pinas ‘binomba’ uli ng China, binangga pa
MATAPOS ang pag-water cannon sa mga barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Sabado, ang mga barko naman ng Pilipinas na magsasagawa ng rotation and resupply mission sa BRP Sierra Madre ang binomba ng tubig ng China Coast Guard, Linggo ng umaga. Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for […]