• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Anunsyo ni PBBM, wala ng ekstensyon sa deadline ng PUV consolidation

INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na wala ng ekstensyon sa aplikasyon para sa consolidation ng indibidwal na public utility vehicle (PUV) operators na bumuo o sumali sa transportation cooperatives.

 

 

Matapos ang ilang ekstensyon, nito lamang huling bahagi ng Enero ay itinakda ni Pangulong Marcos ang bagong deadline para sa consolidation sa Abril 30, 2024.

 

 

”Sa kahuli-hulihan, wala na pong extension ‘yung (consolidation). Kailangan na kailangan na natin ‘yan,” ayon kay Pangulong Marcos sa idinaos na open forum ng Bagong Pilipinas Town Hall Meeting on Traffic Concerns.

 

 

“Ang tinitiyak lang namin, hindi na mapabigat pa ang babayaran at iuutang ng driver-operator kaya ginagawa nating maayos at well-organized ‘yung sistema na ‘yan,” dagdag na pahayag ng Chief Executive.

 

 

Sa ulat, pinalawig ng pamahalaan ang deadline ng consolidation para sa P.U.V. Modernization Program.

 

 

Ayon sa Presidential Communications Office, inaprubahan ni Pangulong Marcos ang rekomendasyon ni Transportation Secretary Jaime Bautista na palawigin pa ng 3 buwan hanggang April 30, 2024 ang consolidation ng mga tradisyunal na jeep.

 

 

Ito’y upang bigyan ng pagkakataon ang mga jeepney operator at drivers na hindi umabot sa cut off na makapag-consolidate.

 

 

Matatandaang natapos noong December 31, 2023 ang deadline para sa P.U.V. Consolidation. (Daris Jose)

Other News
  • 423 JOBSEEKERS HIRED-ON-THE-SPOT SA SM’S LABOR DAY JOB FAIRS

    UMABOT sa 423 jobseekers ang na hired on the spot sa isinagawang magkasabay na job fair noong labor day kung saan nag-host ang SM City Grand Central at SM City Valenzuela.     Ipinakita sa collaborative initiative na ito sa pagitan ng SM Supermalls, Department of Labor and Employment, Local Government Units, at Public Employment […]

  • Bagong voter registration system na “Register anywhere,” kasado na-Comelec

    KASADO na para sa pilot testing ang panibagong sistema ng Commission on Elections na naglalayong mabigyan ng pagkakataon ang mga voter registrants na makapagparehistro kahit hindi sa kanilang siyudad o bayan na kinabibilangan.     Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni COMELEC Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, bunsod ng pagiging abala ng mga dapat […]

  • Ads July 25, 2024