Aplikasyon para sa pagpasok at pre-enrollment sa Bulacan Polytechnic College, nagsimula na
- Published on April 28, 2021
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS– Maaari nang magsimula sa proseso ang mga Bulakenyong estudyante na nagnanais na magpatuloy ng libreng pag-aaral sa pagbubukas ng Bulacan Polytechnic College ng aplikasyon para sa pagpasok at pre-enrollment para sa Taong Pampaaralan 2021-2022 noong Abril 22, 2021 at tatagal hanggang Agosto 15, 2021.
Sinabi ni Gobernador Daniel R. Fernando na hindi mapipigil ng pandemya ang pamahalaan sa pagbibigay ng libre at dekalidad na edukasyon para sa mga nasasakupan nito.
“Kahit na tayo po ay nasa gitna ng pandemya, may mga paraan po tayo upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng ating mga kabataan. Libre po ito, walang bayad. Ngunit maaari po natin itong maibalik sa ating bansa sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti, pagtatapos, at paggamit ng ating mga natutunan upang mapaunlad ang ating sarili, ang ating pamilya, at ang ating komunidad,” anang gobernador.
Kailangang magsumite ang mga bagong estudyante at transferees ng kopya o larawan mula sa cellphone camera ng mga requirements kabilang ang isang 2×2 colored picture na may puting background; report card o Transcript of Record o Certificate of Grades; at PSA Certificate of Live Birth. Kailangan ding magpasa ang mga transferee ng Good Moral certificate bilang karagdagan sa mga binanggit na requirements.
Mayroong iba’t ibang degree at mga kurso ang Commission on Higher Education (CHED) na iniaalok sa lokal na kolehiyo ng lalawigan sa pamamagitan ng blended learning kabilang ang Bachelor of Science in Information Systems (BSIS), Bachelor of Science in Office Management, Bachelor of Science in Accounting Information System, Bachelor of Technical Vocational Teacher Education, at dalawang taong Associate in Computer Technology na maaaring i-ladderize sa BSIS.
Nagtuturo rin sila ng mga kursong technical at vocational kabilang ang dalawang taong Computer Secretariat with Competency in Bookkeeping NC III; dalawang taong Hotel and Restaurant Services (HRS) with competency in Food and Beverage Services NC II and Cookery NCII with integration of Bread and Pastry; isang taong Contact Center Services; isang taong Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NCII; at isang taong Electrical and Installation Maintenance (EIM) NC II.
Iniaalok din ng BPC ang mga strand ng Senior High School na Accountacy, Business and Management; Humanities and Social Science; Technical-Vocational Livelihood; at General Academic Strand.
Para sa iba pang katanungan, maaaring dumirekta sa BPC Admission Office sa telepono bilang (044) 802-6716, cellphone number 0917-7111-690, Facebook page @bpcMalolosMainCampus, at website https://bulacanpolytechniccollege.com.
Mayroong walong campus ang BPC sa buong lalawigan kabilang ang Malolos Main, at mga campus sa Angat, Bocaue, Pandi, Obando, San Rafael, San Miguel, at Lungsod ng San Jose del Monte. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
5 puganteng dayuhan, inaresto ng BI
LIMA pang mga puganteng dayuhan ang inaresto ng Bureau of Immigration (BI) at nakatakdang ibalik sa kanilang bansa upang harapin ang kanilang mga kaso. Sinabi ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado na kabilang sa mga inaresto ay isang American, isang Chinese, isang Taiwanese at dalawang Koreano sa magkakahiwaay na operasyon ng BI fugitive […]
-
Ex-NBA All-Star Eddie Johnson, pumanaw na sa loob ng kulungan
PUMANAW sa loob ng kulungan ang dating NBA- All Star player na si Eddie Johnson sa edad 65. Hinatulang kasi habambuhay si Johson noong 2006 dahil sa pang-aabuso sa isang 8-anyos na batang babae. Hindi naman ibinunyag ng mga prison offiicials ang sanhi ng kamatayan nito. May palayaw siya na “Fast Eddie” […]
-
PBBM, pinag-aaralan ang paglikha ng internal PNP legal office
IPINAG-UTOS na ni Pangulong Ferdinand ‘Marcos Jr. ang pag-aaral para sa posibleng paglikha ng legal department sa loob ng Philippine National Police (PNP) na magsisilbi bilang ”defense council” ng kahit na anumang at sinumang police officer. Sinabi ng Pangulo na bahagi ito ng pagsisikap ng administrasyon na protektahan ang kapakanan ng mga pulis […]